Bogoying

Bogoying

Share

Fitness • Discipline • Kindness • Dreams

26/08/2026

Tight sa oras? Try this 5-exercise workout 💪

1. Lat Pulldown — 3×8–12
2. Cable Row — 3×8–12
3. Bent-Over Row Machine — 3×8–12
4. Leg Raises — 3×10–15
5. Cable Crunch — 3×10–15

Why it works: You’re covering both vertical + horizontal pulling movements, hitting your lats, mid-back, and upper back without spending hours in the gym. Plus, you’re getting some core work in.

Less time. More focus. Better workout. 🔥

25/08/2026

Siya na ang bahala. 🙏

01/08/2026

Move!

27/07/2026

5 Benefits of Being Fit That I’ve Personally Experienced

1. Hindi na ako agad napapagod, lalo na sa mga gawaing kailangan ng physical strength.

Dahil sa regular na workout, mas efficient na ang heart, lungs, at muscles ko sa pag-deliver ng oxygen. Kaya mas matagal bago mapagod at mas kaya ko nang gumawa ng physically demanding tasks.

2. Mas mabilis na akong mag-decide sa mga bagay-bagay.

Exercise improves blood flow to the brain, which helps with focus and mental clarity. Mas clear ang isip, kaya mas mabilis mag-process ng information at gumawa ng decisions.

3. Mas kalmado ako sa mga uncertainties.

Regular exercise helps lower stress hormones like cortisol while increasing “feel-good” chemicals like endorphins. Kaya kahit may stressful o hindi inaasahang sitwasyon, mas composed akong mag-react.

4. Mas mabilis akong kumilos at hindi na gaanong clumsy.

Strength training improves coordination, balance, at body awareness. Mas maganda ang communication ng brain at muscles, kaya mas smooth at controlled ang movements.

5. Mas mabilis gumaling ang mga sugat ko.

Kapag fit ang katawan, mas maganda ang blood circulation. Ibig sabihin, mas mabilis nakakarating ang oxygen at nutrients sa sugat, kaya mas efficient ang natural healing process ng katawan.

26/07/2026

Buti na lang naging disiplinado ako.

Kasi dumating din ang panahon na hindi motivation ang sumalba sa’kin—kundi yung mga habits na paulit-ulit kong binuo kahit walang nakakakita.

Ngayon, bawat maliit na effort noon ang dahilan kung bakit mas kalmado akong humarap sa buhay.

Discipline doesn’t always give instant results.
But one day, you’ll thank yourself for choosing it.

22/07/2026

Grind hard, Pray harder. 🙏🫡

18/07/2026

In my 30s, finally na-realize ko…

Okay lang kung hindi ko maranasan ang lahat ng inaalok ng mundo.

Okay lang kung hindi ko mabili ang lahat ng mamahaling bagay.

Kasi balang araw, mawawala rin ang lahat ng ’yan.

Ang maiiwan ay kung paano mo trinato ang mga tao.

Naging mabuti ka ba?

Naging totoo ka ba?

Nandiyan ka ba noong kailangan ka nila?

Sa huli, ang tunay na legacy ay hindi nasusukat sa yaman…

Kundi sa kabutihang iniwan mo sa puso ng ibang tao.

At para sa’kin…

Sapat na ’yon.

02/07/2026

Day 184 of 365.
(Day 1 of going back to the routine)
———
3 bagay na dapat mong ikonsider every time bumabalik ka sa gym routine mo:

1. Iwanan ang ego sa pinto.

Hindi mo kailangang buhatin agad ang dati mong weights. Mas importante ang tamang porma kaysa mabigat na buhat.

2. Maging patient sa progress.

Normal lang kung mabilis kang mapagod o hindi pa bumabalik ang dating lakas. Bigyan mo ng oras ang katawan mong maka-adjust ulit.

3. Consistency beats intensity.

Mas okay ang 3–4 consistent workouts bawat linggo kaysa isang sobrang intense na session na ikatitigil mo rin.

Want your business to be the top-listed Gym/sports Facility in Manila?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Manila