02/10/2026
DAVAO CITY, ISANG PANGUNAHING DESTINASYON NG MGA DAYUHANG PAMUMUHNAN AT DIPLOMASYA NGAYONG 2026! ๐๐ต๐ญ
Patuloy ang pag-angat at pagtibay ng pakikipag-ugnayan ng Davao City sa buong mundo! Mula noong Enero ng taong ito, nasa mahigit sampung (10+) dayuhang diplomat at ambassador na ang opisyal na bumisita at nagdaos ng courtesy call kay Davao City Mayor Sebastian "Baste" Duterte.
Kabilang sa mga nagpakita ng interes sa lungsod ang mga pinuno at kinatawan mula sa China, European Union, India, Denmark, Australia, Sweden, Ireland, Germany, at Singapore. Ang mga pagpupulong na ito ay nakatutok sa pagbubukas ng mas maraming oportunidad sa lokal na ekonomiya, partikular na sa mga sektor ng agrikultura, renewable energy, edukasyon, at transportasyon.
Patunay lamang ito na ang Davao City ay nananatiling ligtas, progresibo, at bukas para sa pandaigdigang pakikipagtulungan!