21/08/2026
Bago mo isipin na magaling ka na o mas mahusay ka kaysa sa ibang tao, kailangan mo munang matutong makita ang sarili mong mga kakulangan.
Ang tunay na improvement ay nagsisimula sa self-awareness.
Hindi masama ang maging proud sa mga natutunan at narating mo, pero nagiging problema ito kapag ginagamit mo ang iyong kakayahan para maliitin ang ibang tao.
Walang saysay ang pagiging mahusay kung ang character mo naman ay puno ng kayabangan, pangungutya, at kawalan ng respeto.
Hindi sapat na magaling ka sa ginagawa mo; kailangan mo ring maging mabuting tao habang ikaw ay umaangat.
Matutong tumanggap ng sariling pagkukulang.
Huwag mong isipin na dahil may alam ka na, wala ka nang kailangang matutunan. Ang taong tunay na matalino ay marunong magsabi sa sarili na, “May mga bagay pa akong kailangang ayusin at matutunan.”
Mas kahanga-hanga ang taong mahusay ngunit humble kaysa sa taong gustong ipakita sa lahat na mas magaling siya.
Ang talento ay maaaring makapagpataas sa iyo, pero ang character ang magpapakita kung karapat-dapat kang respetuhin.
Bago mo tingnan kung saan ka mas magaling kaysa sa iba, tingnan mo muna kung saan ka kailangan pang magbago.
Huwag kang magmataas dahil lamang sa kaunti mong narating.
Patuloy kang matuto, manatiling humble, at ayusin ang iyong character.
Dahil sa huli, mas mabuting maging mahusay na tao kaysa maging mahusay lamang sa harap ng ibang tao.
✍️Master/Coach Bucag