29/05/2026
๐๐ก๐จ๐ฎ๐ฌ๐๐ง๐๐ฌ ๐ฎ๐ฉ๐จ๐ง ๐ญ๐ก๐จ๐ฎ๐ฌ๐๐ง๐๐ฌ ๐จ๐ ๐ฆ๐๐ซ๐ญ๐ฒ๐ซ๐ฌ ๐ก๐๐ฏ๐ ๐ก๐๐ซ๐จ๐ข๐๐๐ฅ๐ฅ๐ฒ ๐ฅ๐๐ข๐ ๐๐จ๐ฐ๐ง ๐ญ๐ก๐๐ข๐ซ ๐ฅ๐ข๐ฏ๐๐ฌ ๐๐จ๐ซ ๐ญ๐ก๐ ๐ฉ๐๐จ๐ฉ๐ฅ๐; ๐ฅ๐๐ญ ๐ฎ๐ฌ ๐ก๐จ๐ฅ๐ ๐ญ๐ก๐๐ข๐ซ ๐๐๐ง๐ง๐๐ซ ๐ก๐ข๐ ๐ก ๐๐ง๐ ๐ฆ๐๐ซ๐๐ก ๐๐ก๐๐๐ ๐๐ฅ๐จ๐ง๐ ๐ญ๐ก๐ ๐ฉ๐๐ญ๐ก ๐๐ซ๐ข๐ฆ๐ฌ๐จ๐ง ๐ฐ๐ข๐ญ๐ก ๐ญ๐ก๐๐ข๐ซ ๐๐ฅ๐จ๐จ๐! - ๐๐๐จ ๐๐๐๐จ๐ง๐
As time moves forward, we must continue to carry on the struggle of our fallen comrades. The world will not stop turning, and the fascist attacks against the people will persist. We must carry our grief with us and transform it into fuel that further ignites our militant spirit.
The struggle of the masses will continue, and the legacy of Maureen Keil Santuyo, Errol Wendel, and the Negros 19 will continue to haunt the reactionary government through the collective action of the people fighting for justice, for the defense of human rights, and for genuine national development and sovereignty.
JUSTICE FOR MAUREEN SANTUYO AND ERROL WENDEL! JUSTICE FOR NEGROS 19!
24/05/2026
Neoliberal education has confined development research within the halls of the academe, for the sole purpose of meeting publication requirements and keeping them out of reach from the masses it claimed to inquire about. Knowledge monopolies restrict the creation and dissemination of knowledge within elite platforms through costly paywalls and bureaucratic publication processes, rather than sparking collective and critical dialogue.
Development research must, first and foremost, be shaped by the experiences and struggles of marginalized communities. As development scholars, we must actively dismantle the colonial, elitist, and bureaucratic research structure that has shielded vital knowledge away from the masses. Research must be co-created with communities as a form of collective resistance against the status quo.
The Development Studies Program - UP Manila and Development Studies Society invite everyone to this year's thesis colloquium, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐: ๐๐๐ฏ๐๐ฅ๐จ๐ฉ๐ฆ๐๐ง๐ญ ๐๐๐ฌ๐๐๐ซ๐๐ก ๐๐ซ๐๐ฑ๐ข๐ฌ ๐๐๐๐. Witness the effort undertaken by Development Studies students as they integrate theory with practice in empowering communities, amplifying their struggles, and championing social transformation.
๐
๐๐๐ฒ ๐๐, ๐๐๐๐
โฐ ๐:๐๐ ๐๐ - ๐:๐๐ ๐๐
๐ ๐๐ฎ๐ฌ๐๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐๐ง๐๐ซ๐๐ฌ ๐๐จ๐ง๐ข๐๐๐๐ข๐จ ๐๐ฆ. ๐๐๐
Interested participants may register through the link below:
๐ https://bit.ly/Kritikauswagan2026
๐ https://bit.ly/Kritikauswagan2026
๐ https://bit.ly/Kritikauswagan2026
12/05/2026
DUTERTE, PANAGUTIN! PASISTANG REHIMEN, IBAGSAK!
Sa lilim ng nagbabanggaang trapoโt dinastiya, muling umalingawngaw ang kabulukan ng naghaharing uri. Habang nilulunod sa gutom, mababang sahod, at kawalan ng kabuhayan ang sambayanan, abala naman ang mga warlord ng kapangyarihan sa Senado sa pag-ukit ng panibagong alyansa upang iligtas ang isaโt isa sa bingit ng pananagutan. Muling sumulpot si Bato dela Rosa, anino ng madugong gera kontra maralita, kasabay ng maniobrang nagluklok kay Cayetano sa trono ng Senado habang umiigting ang usapin ng impeachment ni Sara Duterte. Hindi ito simpleng โpulitikaโ; isa itong maruming sayaw ng mga naghaharing paksyon upang protektahan ang kanilang dinastikong imperyo at pigilan ang pag-usad ng hustisya.
Habang nag-aagawan sila sa kapangyarihan, lalong ibinabaon sa kahirapan ang masa. Ang Senado ay hindi tahanan ng serbisyo publiko kundi pugad ng mga pasistang berdugo, kroni, at mga tagapangalaga ng bulok na kaayusang pinaghaharian ng mga Duterte at Marcos, mga pamilyang paulit-ulit na nagpapalit lamang ng mukha ng paghahari ngunit iisa ang layunin: panatilihin ang kontrol sa yaman at estado habang dinudurog ang mamamayan. Ang kanilang mga alyansa ay hindi para sa bayan kundi para sa sariling kaligtasan laban sa lumalakas na sigaw para sa hustisya.
Ngunit hindi habambuhay malilinlang ang sambayanan. Habang ang mga elitistaโy nagkukubli sa likod ng mga engrandeng talumpati at drama sa Senado, patuloy namang lumalakas ang galit ng mamamayan laban sa pasismo, korapsyon, at paghaharing dinastiko. Hindi sapat ang pagpapalit ng mga mukha sa poder kung nananatili ang sistemang alipin ng imperyalismo at naghaharing-uri. Ang tunay na pagbabago ay hindi magmumula sa bulok na bulwagan ng Senado kundi sa sama-samang pagkilos ng mamamayan, sa lansangan, pabrika, paaralan, at komunidad. Panagutin ang mga berdugo. Durugin ang kultura ng impunidad. Ibagsak ang naghaharing dinastiyaโt elitistang naghuhumiyaw sa kapangyarihan habang nilulunod sa dusa ang bayan!
Panagutin ang mga magnanakaw at mamamatay-tao! SUMAMA SA PAGKILOS BUKAS!
๐๏ธ May 13, 2026
โฐ 10 AM
๐ Senate Building
04/05/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐? ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐! ๐ป
Introducing our brand new ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐โjust in time for Sablay szn! Wear with pride, for only ๐๐ก๐ฉ ๐๐๐.
The new enamel pins show the official Development Studies Society logo, adorned with the Sablayโsignifying the role of DevStud students in serving the masses beyond their academic journey and outside the classrooms.
Buy yours through the link below:
๐ https://bit.ly/3OENMiT
๐ https://bit.ly/3OENMiT
๐ https://bit.ly/3OENMiT
(practice muna๐) Padayon, DevStud!
03/05/2026
Ngayong , kaisa ang Development Studies Society (DevSoc) sa panawagang hustisya para kay RJ Ledesma, community journalist na pinaslang ng estado sa Negros, at agarang pagpapalaya kay Frenchie Mae Cumpio, kasama si Marielle Domequil, na ikinulong gamit ang mga gawa-gawang kaso sa Tacloban City.
Sa kabila ng mahalagang gampanin ng mga mamamahayag sa usapin ng katotohanan at impormasyon, patuloy silang kumakaharap ng pananakot, ibaโt ibang porma ng intimidasyon, at panunupil. Ayon sa 2026 World Press Freedom Index, bumaba mula 49.57 patungong 46.79 ang press freedom score ng Pilipinas, isang indikasyon na malapit nang maabot ng bansa ang โvery seriousโ red zone ng kabuuang panunupil sa midya.
Tinatala ng Reporters Without Borders na isa ang Pilipinas sa mga bansang pinakadelikado sa buong mundo para sa mga mamamahayag. Sa Pilipinas, ang mga katulad nila RJ at Frenchie Mae ay tinitignan bilang mga kaaway ng estado dahil sa kanilang pakikiisa sa mga batayang sektor ng lipunan, pagkwestyon sa kawalan ng katarungan, at paghatid ng mga tunay na impormasyong maglilingkod sa masa.
Hindi naman nalalayo ang kalagayang ito sa mga mamamahayag sa ibang bansa katulad ng Gaza at Iran, na kumakaharap din ng malaking banta sa kanilang kaligtasan at kalayaan dahil sa kanilang pagbabalita tungkol sa henosidyo at gyerang agresyon sa kanilang lugar. Sa ganitong usapin, hindi lamang ang karapatan sa malayang pamamahayag ang kinikitil ng estado. Pinagkakaitan din nito ang mga mamamayan ng kaalaman sa gitna ng samot-saring panlilinlang dulot ng malalaking makinarya ng disimpormasyon.
๐๐ฎ๐๐ฎ๐บ๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฎ๐น๐ฎ๐ด๐ฎ๐ฑ ๐ป๐ด ๐บ๐ถ๐ฑ๐๐ฎ ๐ฎ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐ด๐๐ถ๐๐ถ๐น๐ฏ๐ถ๐ต๐ฎ๐ป ๐ป๐ถ๐๐ผ, ๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ฎ๐๐ฎ๐ด๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐๐ฒ๐๐ฆ๐ผ๐ฐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐๐ถ๐ด๐ถ๐น ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด-๐ฎ๐ฎ๐๐ฎ๐ธ๐ฒ ๐ป๐ด ๐ฒ๐๐๐ฎ๐ฑ๐ผ ๐๐ฎ ๐น๐ฎ๐ต๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐บ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ต๐ฎ๐๐ฎ๐ด. ๐๐ฏ๐ฎ๐๐๐ฟ๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ด๐ฎ๐๐ฎ-๐ด๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐๐ผ ๐น๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐ง๐ฎ๐ฐ๐น๐ผ๐ฏ๐ฎ๐ป ๐ฑ! ๐๐๐๐๐ถ๐๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐ ๐ฅ๐ ๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐น๐ฎ๐ต๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐ฏ๐ถ๐ธ๐๐ถ๐บ๐ฎ ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐๐ฎ๐ธ๐ฒ๐ฟ ๐๐ฎ ๐ง๐ผ๐ฏ๐ผ๐๐ผ, ๐ก๐ฒ๐ด๐ฟ๐ผ๐ ๐ข๐ฐ๐ฐ๐ถ๐ฑ๐ฒ๐ป๐๐ฎ๐น!
Ang laban para sa malayang pamamahayag ay laban din ng mas malawak na hanay ng sambayanang Pilipino para sa tunay na kaunlaran at demokrasya. Hanggaโt hindi napapanagot ang estado sa karahasan nito, magpapatuloy ang laban ng mamamayan para sa panlipunang hustisya.
30/04/2026
๐ช๐๐๐๐ฆ๐๐ก ๐๐ก๐ ๐๐๐ฅ๐๐ก๐ ๐๐๐ฅ๐๐ฆ๐ฌ๐ข๐ก ๐ก๐ ๐จ๐ฆ-๐๐ฆ๐ฅ๐๐๐! ๐จ๐ฅ๐๐ก๐ ๐ ๐๐ก๐๐๐๐๐๐ช๐, ๐๐จ๐๐๐ข๐ก๐ ๐ ๐๐ฃ๐๐๐ฃ๐๐๐๐ฌ๐!
Ang Mayo Uno ay simbolo ng matagal nang pakikibaka ng uring manggagawa sa buong mundo. Ito ay sagisag ng pandaigdigang pagkakaisa laban sa pananamantala sa ilalim ng kapitalistang sistema.
Sa Pilipinas, buhay ang diwang ito mula sa Union Obrera Democratica noong 1902 hanggang sa kasalukuyang mga protesta at welga. Ang mga manggagawa at magsasaka ang tunay na lumilikha ng yaman at nagpapatakbo ng ekonomiya, ngunit sila rin ang madalas na naaapi at kulang sa benepisyo.
Isang kongkretong halimbawa nito ang laban ng mga manggagawa ng Kowloon House sa Quezon City. Matapos ang anim na araw na welga, matagumpay nilang naigiit ang dagdag sahod, benepisyo, at pagbabalik ng kanilang service charges na matagal na hindi naibigay. Ang kanilang pagkakaisa ay nagpatunay na ang sama-samang pagkilos ang sandata ng manggagawa laban sa pang-aabuso. Gayunpaman, ipinakita rin ng laban na ito na ang minimum wage ay nananatiling malayo sa isang nakabubuhay na sahod, at ang kanilang pakikibaka ay sumasalamin sa kalagayan ng milyon-milyong manggagawang Pilipino.
Kasabay nito, lumalala ang militarisasyon sa bansa. Ang pagtaas ng gastusin sa militar at presensya ng mga dayuhang tropa sa ilalim ng mga kasunduang tulad ng EDCA at joint military exercises ay naglilihis ng pondo mula sa edukasyon, kalusugan, at iba pang serbisyong panlipunan. Sa ganitong kalagayan, ang pagiging โanti-warโ ay hindi lamang paninindigang politikal kundi panawagan para sa makataong kaunlaran. Ang digmaan ay nagsisilbi sa interes ng makapangyarihang bansa, habang ang mga Pilipino ang nagdurusa sa implasyon, paglikas, at kawalan ng seguridad.
Ang tunay na kaunlaran ay nakabatay sa pambansang soberanya at kapakanan ng mamamayan. Ito ay makakamit sa paglaya ng masang anakpawis mula sa kahirapan, pagsasamantala, at kawalan ng katarungan. Kabilang dito ang pagsusulong ng pambansang industriyalisasyon, tunay na repormang agraryo, sahod na sapat sa disenteng pamumuhay, at ang pagkilala sa edukasyon at kalusugan bilang batayang karapatan, hindi pribilehiyo.
Bilang mga mag-aaral ng Araling Pangkaunlaran, ang tunay na pag-aaral ay nasa mga piketlayn, kung saan ipinaglalaban ng mga manggagawa ang kanilang karapatan sa unyon. Ito ay matatagpuan sa mga bukid at sakahan, kung saan iginiit ng mga magsasaka ang kanilang karapatan sa lupa. Ang kalsada ang ating silid-aralan, at ang masa ang ating pinakamahusay na g**o.
Sa gitna ng tumitinding krisis ng pandaigdigang kapitalismo at ang papet na pagsunod ng estado sa dikta ng mga dayuhang kapangyarihan, ang Development Studies Society (DevSoc) ay naninindigan kasama ang uring manggagawa. ๐๐ป๐ด ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐น๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ป ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐ต๐ผ๐ฑ, ๐๐ฟ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ต๐ผ, ๐ฎ๐ ๐ธ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐บ๐ฎ๐ต๐ถ๐ต๐ถ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐น๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ป ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐บ๐ฏ๐ฎ๐ป๐๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ผ๐ฏ๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐ป๐๐ฎ ๐ฎ๐ ๐๐๐ป๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐ฑ๐ฒ๐บ๐ผ๐ธ๐ฟ๐ฎ๐๐๐ฎ.
Kaisa ng masang anakpawis, aming iginigiit ang mga sumusunod:
๐๐ผ๐๐ผ๐๐ผ๐ ๐ผ๐๐ ๐๐ผ๐๐๐๐๐๐๐๐ผ๐๐๐-๐๐๐๐๐๐ผ๐ ๐๐ ๐ฟ๐ผ๐๐๐๐ผ๐! Ibasura ang EDCA, VFA, at lahat ng kasunduang naglalagay sa bansa sa bingit ng digmaan para sa interes ng US at Tsina. Ilaan ang pondo ng militar para sa serbisyong panlipunan!
๐๐๐ผ๐๐๐๐ผ๐ฟ ๐ผ๐๐ ๐๐ญ,๐ฎ๐ฌ๐ฌ ๐๐ผ๐๐๐๐๐ผ๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ผ๐๐! Sahod na nakabubuhay, hindi sahod na nakalulunod sa utang. Pantay na sahod sa buong kapuluan!
๐๐ฝ๐ผ๐๐๐๐ผ ๐ผ๐๐ ๐พ๐๐๐๐๐ผ๐พ๐๐๐ผ๐๐๐๐ผ๐๐๐๐ ๐ผ๐ ๐๐๐ฟ๐! Garantiyahan ang seguridad sa trabaho at itaguyod ang karapatan sa pag-uunyon at kolektibong pakikipagtawaran.
๐๐๐๐ผ๐ ๐๐ผ ๐๐๐๐๐๐๐ผ ๐๐ผ ๐๐๐๐ผ ๐ผ๐ ๐๐ผ๐๐ฝ๐ผ๐๐๐ผ๐๐ ๐๐๐ฟ๐๐๐๐๐๐๐ผ๐๐๐๐ผ๐๐๐๐! Ipamahagi ang lupa nang libre sa mga magsasaka at itayo ang sariling mga industriya upang lumikha ng lokal na trabaho.
๐๐๐๐ฟ๐ ๐๐ผ๐๐ผ ๐๐ผ ๐๐๐๐ฝ๐๐๐๐, ๐๐๐๐ฟ๐ ๐๐ผ๐๐ผ ๐๐ผ ๐ฟ๐๐๐๐ผ๐ผ๐! I-redirect ang bilyon-bilyong badyet mula sa NTF-ELCAC at kagamitang pang-militar tungo sa kalusugan, edukasyon, at murang pabahay.
Bilang mga kabataang Pilipino, gamitin ang taglay na talino at lakas para paglingkuran ang sambayanan. Ang hamon ng ating panahon ay ang pag-ugnay ng ating teorya sa praktika ng rebolusyonaryong pagbabago. Tayo ay maging katuwang ng mga manggagawa sa kanilang pakikibaka para sa sahod, trabaho, at karapatan tungo sa tunay na kalayaan.
๐ฆ๐จ๐ ๐๐ ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ฌ๐ข ๐จ๐ก๐ข!
๐ป Mayo 1, 2026
๐ป 7 AM | P. Noval Assembly
๐ป 8 AM | March to Mendiola
๐ป 9 AM | Mendiola
Para sa mga nais sumama, magpadala ng mensahe sa aming page.
26/04/2026
Noong nakaraang Biyernes, matagumpay na ipinagdiwang ang Socsciyaw 2026, kung saan ipinamalas ng bawat estudyante ng Departamento ng Agham Panlipunan ang kanilang talento at dedikasyon sa pamamagitan ng malikhaing pagtatanghal.
Ang natanggap na monetaryong gantimpala at natirang pondo ng Araling Pangkaunlaran mula sa paghahanda ay magsisilbing donasyon para magsilbing tulong sa mamamayan ng Negros. Ang maliit na halagang ito ay hindi kayang wakasan ang malalaking suliraning kinahaharap ng Negros. Ngunit, nawaโy magsilbi ito bilang munting ginhawa at paalala na may mga kabataang handang lumaban kasama sila.
Iniaalay rin namin ito sa alaala nina Alyssa, RJ, Errol, at Mau. Sa inyong tapang, malasakit, at walang sawang paninindigan para sa masa, mas lalo naming nauunawaan na ang tunay na edukasyon ay hindi lamang para sa sarili, kundi para sa bayan.
Sa mga may nais ding magbigay ng donasyon para sa mga mamamayan ng Negros, maaaring gamitin ang QR code sa ibaba. Lagyan ito ng "For Defend Negros" na mensahe. Huwag mag-atubiling magpadala ng mensahe sa aming page para sa ibang mga katanungan.
ARTISTA NG BAYAN, NGAYON AY LUMALABAN!
MILITAR SA KANAYUNAN, PALAYASIN!
TUNAY NA REPORMA SA LUPA, IPAGLABAN!
26/04/2026
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐!
Nitong Abril 25, 2026 ay ginanap ang taunang Socsciyaw ng mga mag-aaral ng Departamento ng Agham Panlipunan.
Tampok sa produksyon ng Development Studies, na pinamagatang "๐๐๐ง๐ ๐ข๐ฅ ๐๐ญ ๐๐ฎ๐ค๐จ", ang mga pangil na naghahasik ng lagim sa kasaysayan ng ating lipunan. Mula sa kolonyalismong Espanyol noon hanggang sa hegemoniya ng mga imperyalista ngayon, nananaig pa din ang mapang-aping sistema na sumasakdal sa mamamayan ng bawat panahon. Subalit, isa ang tanging kinakatakutan ng mga aswang ng lipunanโang kolektibong pagkilos ng mamamayang biktima nito. Takot man ang kanilang puhunan, ang sama-samang galit at tapang ng mamamayang lumalaban ang siyang magpapabagsak sa kanilang paghahari.
Bilang mga Iskolar ng Bayan, tungkulin nating kritikal na suriin ang ating lipunan. Tingnan natin ang sining, hindi bilang isang pang-aliw o libangan lamang, bagkus bilang isang armas tungo sa pagbabago. Kinakailangan ang ating sama-samang pwersa at karunungan para baguhin ang bulok na sistema. Sa lumalalang krisis ng mundo ngayon, mas may pangangailangan na lumabas sa ating pamantasan at tumungo sa lansangan, sa kanayunan, sa tabi ng masang Pilipino, upang wakasan ang mga pangil na sumisipsip sa diwa ng bayan.
Nasungkit ng programa ang mga sumusunod na gantimpala:
๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ (๐๐ข๐ฅ๐ฅ๐ข๐๐ง ๐๐จ๐ง๐ญ๐ซ๐๐ซ๐๐ฌ)
๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐
๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐
Labas ng tanghalang ito, patuloy nating gamitin ang ating mga talento sa pakikibaka at pagtatanghal para sa sambayanan. Pandayin natin ang lipunang malaya sa pangil ng imperyalismo, pyudalismo, at burukrata kapitalismo tungo sa pambansang demokrasya at sa mapagpalayang sining at kultura.
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐!
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐โ๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐!
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐!
25/04/2026
ICYMI | Last April 22, 2026, the forum โUpholding International Solidarity through Humanitarian Action: The Case of the Rohingyasโ was held as part of this yearโs Department of Social Sciences Week. The event featured Rohingyas currently living in the Philippines, who courageously shared their lived experiences and ongoing struggle for freedom in the face of decades of oppression and discrimination.
The Development Studies Program stands in solidarity with the Rohingya people in their fight against systemic injustice. Their narratives underscored shared realities between the Filipino people and the Rohingyas, reminding us that these struggles are deeply interconnected. More than an exchange of stories, the event highlighted the importance of internationalism, bringing people together across borders to foster unity and collective action against oppression.