Reyes Archery

Reyes Archery

Share

Welcome to Reyes Archery! Sharing our passion for archery through tips, stories, and inspiration!

Photos from DepEd Candon e-Bulletin Board's post 22/05/2025
16/03/2025

๐‘๐Ÿ๐€๐€ ๐…๐„๐€๐“๐”๐‘๐„ ๐’๐“๐Ž๐‘๐˜

๐€๐›๐š๐ฒ๐š, ๐๐ข๐ง๐š๐ง๐š ๐š๐ง๐  ๐“๐š๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š๐ฒ ๐’a ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“ ๐‘๐Ÿ๐€๐€

Ipinamalas ni Ryka Anaroset Abaya, mula sa Candon National High School ang kanyang husay sa larangan ng Archery matapos nitong mapana ang tatlong silver at isang gold sa Secondary Girlsโ€™ Archery Competition ng Region 1 Athletic Association (R1AA) Meet 2025 na ginanap sa Bacnotan National High School Open Field nitong Marso 12 at 13.

Wagi ang 16 anyos na atleta matapos nitong masungkit ang sunod-sunod na tatlong silver medal mula sa 30m, 50m, at 60m distance. Lalong nangibabaw ang kanyang galing nang sa wakas ay mapana nito ang ginto sa 70m sa iskor na 295.

Mayroong kabuoang 47 kalahok mula sa 14 na dibisyon ng Rehiyon 1 ang nagtagisan ng husay at galing sa larong ito.

๐„๐ฌ๐ญ๐ซ๐š๐ญ๐ž๐ก๐ข๐ฒ๐š ๐ฌ๐š ๐ฉ๐š๐ ๐ค๐š๐ฆ๐ข๐ญ ๐ง๐  ๐ฆ๐ž๐๐š๐ฅ๐ฒ๐š

Ayon kay Abaya, ang kanyang tagumpay ay bunga ng year-round training, kung saan napakahalaga ang pagkakaroon ng steady na bow arm, tamang pagtutok sa target, at pagpapanatili ng iisang galaw mula umpisa hanggang sa huling round. Dagdag pa niya, "ang archery ay isang game of repetition; hindi ito pwedeng patsamba- tsamba. Siguraduhing lahat ng galaw ay eksakto."

Binanggit naman ng kanyang coach na si Gng. Karen Arce Abaya, na kanya ring ina na maliban sa year-round training, magandang makilahok ang mga magulang sa lahat ng mga aktibidad at tournaments sapagkat ito ay pagpapakita ng suporta sa mga atleta at motibasyon na rin upang sila ay magpursige sa larong archery.

๐๐š๐š๐ง๐จ ๐ง๐ ๐š ๐›๐š ๐ฉ๐ข๐ง๐š๐ ๐ก๐š๐ง๐๐š๐š๐ง ๐ง๐ข ๐€๐›๐š๐ฒ๐š ๐š๐ง๐  ๐ฅ๐š๐ซ๐จ?

Sa pakikipanayam sa atleta, nasabi nitong, sinisimulan niya ang lahat sa pagdarasal at pagsisimba sapagkat naniniwala siyang lahat ng kanyang lakas ay nagmula sa Panginoon. Tuwing hapon pagkatapos ng klase, diretso na siya sa Archery range upang magsanay maging Sabado at Linggo. Patuloy siya sa gawaing ito upang lumakas ang kanyang paghatak sa pana at makamit ang goal na pagtama ng bala sa target sa bullseye.

๐‡๐š๐ฆ๐จ๐ง๐  ๐ค๐ข๐ง๐š๐ก๐š๐ซ๐š๐ฉ ๐ง๐  ๐ค๐จ๐ฉ๐จ๐ง๐š๐ง

Mula kay coach Abaya, ang pagkakasakit ng dalawang miyembro ang isa sa naging hamon para sa kanilang pangkat, idagdag pa ang pressure at panginginig sa kaba lalo kapag kaharap na nila ang mga kalaban. Subalit hindi nagpatinag ang atleta sa mga hamong ito, ipinakita niyang kaya niyang harapin ang ibang manlalaro at makamit ang inaasam na tagumpay.

Ayon pa kay Gng. Abaya, sa susunod na kumpetisyon kanilang pag-iibayuhin ang training at magiging mas serysoso sa pag-eensayo.

๐Œ๐š๐ก๐š๐ฅ๐š๐ ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐ž๐ง๐ฌ๐š๐ก๐ž

โ€œLaging makinig sa .mga coaches at trainers dahil sila ang mas nakakaalam kung ano ang pinakamabuti para sa atleta dahil itinuturing nila ang mga atleta na parang anak nila kaya mayroon silang malasakit sa bawat miyembro ng archery team ng Candon City Division,โ€ mensahe ni K. Abaya, coach.

โ€œMakinig palagi sa coach at huwag lalaki ang ulo kahit na maraming medalya ang matamo. Huwag lang paglalaro ang atupagin, magpursigi rin sa pag-aaral dahi pag-aaral pa rin ang number 1 priority natin bilang manlalaro,โ€ pahayag naman ni R. Abaya.

Ang natamong tagumpay ay hindi lamang panalo sa paligsahan kundi naging inspirasyon din para sa iba pang atleta na patuloy na magsumikap at maniwala sa sariling kakayahan sa kabila ng anomang pagsubok at hadlang.

SDOCC Media Team
Marlyn Macaraig
Larawan: Karen Arce Abaya, Coach

13/03/2025

See you ilocos Norte palarong pambansa 2025.
May 24 june 2.

Coach Lexter Von Reyes -team Region 1 (Candon city, ilocos sur)
Archer Ryka Anaroset Abaya
Club: Metro Candon Archery Club

Coach Zander Leetle -Team Calabarzon (Gentri cavite)
Archer Jazryl Giron
Archer Kingjames Gloria Solomon
Club: GenTri Archery

See you tuguegarao PRISAA NATIONALS 2025
Team calabarzon (Dasma city)
Archer Sofia Abaya
Club: GenTri Archery

Congratulations archers ๐Ÿ‘๐Ÿ‘

Photos from Reyes Archery's post 02/12/2024

Batang pinoy 2024 under 18 yrs old women olympic round gold medalist from metro candon archery club ryka anaroset abaya and coach Lexter Von Reyes








Want your business to be the top-listed Gym/sports Facility in Manila?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Manila