21/08/2026
โจ๐๐๐ฉ๐ฉ๐ฒ ๐๐ข๐ซ๐ญ๐ก๐๐๐ฒ, ๐๐!โจ
๐ Ngayong araw, buong-giting at masayang ipinagdiriwang ng Indak Sining Folk Dance Troupe ang kaarawan ng isa sa ating mahuhusay at hinahangaang kasapi mula sa 4th Year Civil Engineering, si ๐๐๐ซ๐ฒ ๐๐๐ง๐ ๐๐๐ฏ๐๐ฌ!
Sa unang tingin, akala mo ay seryoso o mataray, pero kapag nakilala mo nang lubusan, makikita ang kanyang pagiging mabait, masayahin, at madaling pakisamahan! Maraming salamat sa iyong kababaang-loob, positibong pananaw, at sa pagiging isang mabuting bahagi ng ating samahan. Tunay na mahalaga at maaasahan ka ng buong Indak Sining! ๐๐
โจ Sa pagpasok mo sa panibagong taon ng iyong buhay, hangad namin ang overflowing na saya, masaganang biyaya, at tagumpay sa lahat ng iyong mga pangarap. Kayang-kaya mong harapin ang bawat hamon na darating. Padayon, inhinyero!๐
Mula sa iyong ๐๐ง๐๐๐ค ๐๐ข๐ง๐ข๐ง๐ Folk Dance Troupe, isang espesyal na pagbati para saโyo! ๐๐
๐๐๐ค๐ข๐ฌ๐๐ฆ๐, ๐๐๐ค๐ข๐ฌ๐๐ฒ๐, ๐๐๐ค๐ข-๐๐ง๐๐๐ค! ๐โจ
#๐๐๐ญ๐๐ค๐๐๐๐๐
#๐๐๐ฉ๐ฉ๐ฒ๐๐๐๐๐ฒ โจ
10/08/2026
๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐? ๐ญโจ
Matapos ang ilang araw na paghahanap, panahon na upang tuldukan ang misteryo.
Ang Indak Sining Folk Dance Troupe ng Colegio de Muntinlupa ay opisyal nang nagbubukas ng pagtanggap para sa mga bagong kasapi!
Kung ikaw ay may pagmamahal sa sining, pagpapahalaga sa kulturang Pilipino, at kagustuhang matuto, umindak, at maging bahagi ng aming samahan, maaaring ikaw na ang hinahanap namin.
Bawat hakbang ay may kahulugan, bawat kumpas ay may kuwento, at bawat indak ay isang pagkakataong maipamalas ang iyong talento.
Para sa mga interesado, sagutan ang aming Talaan ng Pagpapahayag ng Interes dito:
https://forms.gle/sbvBgnXts8CaE4GB9
https://forms.gle/sbvBgnXts8CaE4GB9
https://forms.gle/sbvBgnXts8CaE4GB9
Huwag palampasin ang pagkakataong maging bahagi ng Indak Sining Folk Dance Troupe. Maaaring ang susunod na indak na hinahanap namin ay sa iyo manggaling. ๐โจ
๐๐๐ค๐ข๐ฌ๐๐ฆ๐, ๐๐๐ค๐ข๐ฌ๐๐ฒ๐, ๐๐๐ค๐ข-๐๐ง๐๐๐ค! ๐โจ
#๐๐๐ญ๐๐ค๐๐๐๐๐
#๐๐ง๐๐๐ค๐๐ข๐ง๐ข๐ง๐
#๐๐๐๐ซ๐ฎ๐ข๐ญ๐ฆ๐๐ง๐ญ๐๐๐๐
08/08/2026
๐ฃ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐!
Hindi pa rin natutuldukan ang paghahanap.
Ayon sa mga impormasyong nakalap, ang mga hinahanap ay may kakayahang magbigay-buhay sa bawat kumpas, magkuwento sa bawat indak, at mag-iwan ng marka sa bawat pagtatanghal.
Naniniwala ang mga awtoridad na hindi sila naglalaho at sila'y naghihintay lamang ng tamang pagkakataon upang magpakilala.
Kung may impormasyon ka...
O kung sa tingin mo ay ikaw ang isa sa kanila...
๐๐ฎ๐ฐ๐๐ ๐ฆ๐๐ฐ๐๐ฐ๐๐ฅ๐ ๐ฌ๐ ๐ฌ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ง๐จ๐ ๐ง๐ ๐ฎ๐ฅ๐๐ญ.
โจ Abangan... โจ
๐๐๐ค๐ข๐ฌ๐๐ฆ๐, ๐๐๐ค๐ข๐ฌ๐๐ฒ๐, ๐๐๐ค๐ข-๐๐ง๐๐๐ค! ๐โจ
#๐๐๐ญ๐๐ค๐๐๐๐๐
#๐๐๐๐ง๐ ๐๐ง
30/07/2026
โจ๐๐๐ฉ๐ฉ๐ฒ ๐๐ข๐ซ๐ญ๐ก๐๐๐ฒ, ๐๐๐๐ฅ๐ฅ๐!โจ
๐ Ngayong araw ay ipinagdiriwang natin ang kaarawan ni ๐๐๐๐ฅ๐ฅ๐ ๐๐จ๐ซ๐ซ๐๐ฌ, isa sa ating masisipag na upcoming 2nd Year dancers! Kilala si Kaella sa kanyang tahimik at mahinahong personalidad, ngunit sa likod nito ay isang mabait, masipag, at masayahing kasama sa oras na makilala mo siya. Ang kanyang kababaang-loob, sipag, at magandang pakikisama ay tunay na pinahahalagahan ng buong Indak Sining. ๐๐
โจ Nawaโy mapuno ang iyong panibagong taon ng masasayang alaala, mga bagong oportunidad, at mga biyayang tunay mong deserve. Patuloy mong ipamalas ang iyong kabutihan, kasipagan, at dedikasyon sa bawat hakbang ng iyong paglalakbay, at nawaโy makamit mo ang lahat ng iyong mga pangarap. ๐
Mula sa ๐๐ง๐๐๐ค ๐๐ข๐ง๐ข๐ง๐ , isang espesyal na pagbati para saโyo! ๐๐
๐๐๐ค๐ข๐ฌ๐๐ฆ๐, ๐๐๐ค๐ข๐ฌ๐๐ฒ๐, ๐๐๐ค๐ข-๐๐ง๐๐๐ค!๐โจ
#๐๐๐ญ๐๐ค๐๐๐๐๐
#๐๐๐ฉ๐ฉ๐ฒ๐๐๐๐ฅ๐ฅ๐๐๐๐ฒ โจ
21/07/2026
โจ ๐ท๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐ด๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐!! โจ
Ang bawat pagtatapos ay bunga ng maraming sakripisyo, pagpupunyagi, at walang sawang paniniwala sa sariling kakayahan. Ngayong araw, buong pagmamalaking binabati ng Indak Sining Folk Dance Troupe ang ating mga magsisipagtapos sa pag-abot sa isa sa pinakamahalagang yugto ng kanilang buhay.
Taos-puso naming kinikilala at pinagpupugayan ang mga sumusunod na haligi ng ating samahan:
๐ ๐๐๐ฆ๐๐ฌ ๐๐๐ซ๐ฅ ๐. ๐๐๐๐ฌ, ๐๐๐๐๐ญ๐ฒ ๐๐๐๐ข๐๐๐ซ ๐๐
๐๐๐๐ก๐๐ฅ๐จ๐ซ ๐จ๐ ๐๐๐ข๐๐ง๐๐ ๐ข๐ง ๐๐ข๐ฏ๐ข๐ฅ ๐๐ง๐ ๐ข๐ง๐๐๐ซ๐ข๐ง๐ | ๐๐ฎ๐ฆ ๐๐๐ฎ๐๐
Vice President (2025 - 2026), Secretary (2024 - 2025)
Most Outstanding Performer | Leadership Awardee
๐ ๐๐ฎ๐ง ๐๐๐๐ซ๐ข๐ ๐๐๐๐ก๐จ, ๐๐๐๐๐ญ๐ฒ ๐๐๐๐ข๐๐๐ซ ๐๐
๐๐๐๐ก๐๐ฅ๐จ๐ซ ๐จ๐ ๐๐๐ข๐๐ง๐๐ ๐ข๐ง ๐๐ข๐ฏ๐ข๐ฅ ๐๐ง๐ ๐ข๐ง๐๐๐ซ๐ข๐ง๐ | ๐๐ฎ๐ฆ ๐๐๐ฎ๐๐
Creative Director (2025 - 2026)
Male Folk Dancer of The Year | Service Awardee
๐ ๐๐๐ข๐ญ๐ก๐ฅ๐ฒ๐ง ๐. ๐๐ฎ๐๐ข๐จ, ๐๐๐๐๐ญ๐ฒ ๐๐๐๐ข๐๐๐ซ ๐๐
๐๐๐๐ก๐๐ฅ๐จ๐ซ ๐จ๐ ๐๐๐ข๐๐ง๐๐ ๐ข๐ง ๐๐ข๐ฏ๐ข๐ฅ ๐๐ง๐ ๐ข๐ง๐๐๐ซ๐ข๐ง๐
Production Director (2025 - 2026)
Female Folk Dancer of The Year | Service Awardee
Ang inyong sipag, tiyaga, at dedikasyon ang naging daan upang marating ninyo ang puntong ito. Higit pa rito, nagpapasalamat kami sa inyong mga ibinahagi sa ating samahan at sa pagmamahal na inyong ipinakita sa sining at kulturang Pilipino.
Nawa'y magsilbing gabay ang mga aral at karanasang inyong baon mula sa paaralan at sa Indak Sining sa bawat bagong pagkakataong inyong haharapin. Hangad namin ang inyong patuloy na tagumpay at nawa'y maging makabuluhan ang bawat landas na inyong tatahakin.
Muli, taos-puso namin kayong binabati!
๐๐๐ค๐ข๐ฌ๐๐ฆ๐, ๐๐๐ค๐ข๐ฌ๐๐ฒ๐, ๐๐๐ค๐ข-๐๐ง๐๐๐ค!๐บ๐
19/07/2026
โจ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ฏ๐๐๐๐ ๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐!! โจ
โ
Ang Araw ng Pagkilala ay hindi lamang pagdiriwang ng mga natamong parangal, kundi pagkilala rin sa sipag, tiyaga, at dedikasyong naging daan sa bawat tagumpay.
โ
Noong ika-14 ng Hulyo 2026, buong pagmamalaking kinilala ang ilan sa mga kasapi ng CDM Indak Sining Folk Dance Troupe na nagpakita ng kahusayan sa larangan ng akademiko habang patuloy na naglilingkod at nagbibigay-buhay sa indak sining. Ang inyong mga tagumpay ay patunay na ang disiplina, pagpupunyagi, at wastong pagpapahalaga sa oras ay nagbubunga ng maganda.
Isang malaking karangalan ang ihandog ang ating pagbati sa mga sumusunod na miyembro na tumanggap ng mga natatanging parangal:
๐
๐๐๐ซ๐ค ๐๐จ๐ก๐ง ๐. ๐๐๐ซ๐จ (๐๐ณ๐ฆ๐ด๐ช๐ฅ๐ฆ๐ฏ๐ต)
- Outstanding Cultural Arts Leader of the Year
- Ambassador of Culture and the Arts
๐
๐๐๐ฆ๐๐ฌ ๐๐๐ซ๐ฅ ๐. ๐๐๐๐ฌ (๐๐ช๐ค๐ฆ ๐๐ณ๐ฆ๐ด๐ช๐ฅ๐ฆ๐ฏ๐ต 2025 - 2026)
- Most Outstanding Performer | Leadership Awardee
๐
๐๐ฎ๐ง ๐๐๐๐ซ๐ข๐ ๐๐๐๐ก๐จ (๐๐ณ๐ฆ๐ข๐ต๐ช๐ท๐ฆ ๐๐ช๐ณ๐ฆ๐ค๐ต๐ฐ๐ณ 2025 - 2026)
- Male Folk Dancer of The Year | Service Awardee
๐
๐๐๐ข๐ญ๐ก๐ฅ๐ฒ๐ง ๐. ๐๐ฎ๐๐ข๐จ (๐๐ณ๐ฐ๐ฅ๐ถ๐ค๐ต๐ช๐ฐ๐ฏ ๐๐ช๐ณ๐ฆ๐ค๐ต๐ฐ๐ณ 2025 - 2026)
- Female Folk Dancer of The Year | Service Awardee
โ
Bilang isang samahan, ikinararangal naming masaksihan ang inyong pag-unlad at ang mga karangalang inyong natamo. Nawa'y magsilbi itong inspirasyon hindi lamang sa inyo, kundi maging sa iba pang kasapi na patuloy na nagsusumikap na maabot ang kanilang mga pangarap.
โ
Muli, taos-puso namin kayong binabati. Hangad ng buong Indak Sining ang marami pa ninyong tagumpay at nawa'y patuloy ninyong dalhin nang may dangal ang pangalan ng ating samahan.
๐๐๐ค๐ข๐ฌ๐๐ฆ๐, ๐๐๐ค๐ข๐ฌ๐๐ฒ๐, ๐๐๐ค๐ข-๐๐ง๐๐๐ค!๐บ๐
18/07/2026
โจ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ผ๐๐๐๐ ๐ด๐๐๐๐๐๐๐-๐ท๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐ด๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐!! โจ
โ
Isang araw ng pasasalamat, pagkilala, at pagdiriwang ang ating pinagsaluhan sa isinagawang selebrasyon para sa mga magsisipagtapos na miyembro ng CDM Indak Sining Folk Dance Troupe noong ika-5 ng Hulyo 2026, na may temang โ๐ด๐๐ ๐ซ๐๐๐๐ ๐๐ ๐ซ๐๐๐๐๐โ.
โ
Naging makulay at makahulugan ang pagdiriwang sa pamamagitan ng masayang salu-salo, mga palaro, at pagbabahagi ng mga alaalang nabuo sa bawat ensayo, pagtatanghal, at pagsasama bilang isang pamilya. Ang araw na ito ay nagsilbing munting pasasalamat sa kanilang sipag, dedikasyon, at pagmamahal sa sining na naging inspirasyon sa buong samahan.
โ
Sa aming mga magsisipagtapos na kasapi, taos-puso namin kayong binabati at pinasasalamatan sa lahat ng inyong ginawa para sa Indak Sining. Dalangin namin ang inyong patuloy na tagumpay sa bagong landas na inyong tatahakin. Nawa'y manatili sa inyong puso ang mga aral, alaala, at pagkakaibigang nabuo dito sa ating samahan.
โ
Mabuhay ang Indak Sining, at nawa'y patuloy na umindayog ang ating pagmamahal sa kulturang Pilipino!
๐๐๐ค๐ข๐ฌ๐๐ฆ๐, ๐๐๐ค๐ข๐ฌ๐๐ฒ๐, ๐๐๐ค๐ข-๐๐ง๐๐๐ค!๐บ๐
17/07/2026
โจ ๐ฐ๐๐๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐ด๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐: ๐๐๐๐ ๐ฉ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ด๐๐๐ ๐๐ ๐บ๐๐๐๐๐๐ ๐จ๐๐๐๐
๐! โจ
Nitong nakaraang ika-14 ng Hulyo, napuno ng pasasalamat at pag-asa ang buong komunidad ng Colegio de Muntinlupa sa ginanap na 2026 Baccalaureate Mass. Isang taimtim at makabuluhang pagdiriwang ito upang pasalamatan ang Maykapal sa naging lakbayin ng ating mga graduating students. Kasabay nito ay ang paggawad ng mga Special Awards, kung saan kinilala ang angking husay, pamumuno, at dedikasyon ng mga Iskolegiong nagpamalas ng natatanging galing sa buong panahon ng kanilang pamamalagi sa kolehiyo.
Bilang pakikiisa sa napakahalagang yugtong ito para sa buong Batch 2026, isang malaking karangalan para sa CDM Indak Sining Folk Dance Troupe na mag-alay ng isang natatanging pagtatanghal. Upang bigyang-kulay at parangal ang lahat ng mga magsisipagtapos, buong-pusong inihandog ng ating mga mananayaw ang eleganteng kumpas ng โ๐ฑ๐๐๐ ๐ธ๐๐๐๐๐๐โ. Lalo pang naging espesyal ang programa sa pamamagitan ng tradisyonal na โ๐ท๐๐๐๐๐๐๐โ, na masiglang tinapos sa pag-awit ng "Mabuhay!" kasabay ang himig ng CDM Chorale bilang marubdob na pagbati sa bawat pamilya at estudyanteng naroroon.
Kasabay ng masayang pagdiriwang para sa buong batch, naging makasaysayan din ang okasyong ito para sa aming pamilya dahil sinaksihan nito ang huling pag-indak bilang mga mag-aaral ng tatlo sa aming mga minamahal na miyembro na kabilang sa graduating class. Isang pasasalamat sa ating mga naging opisyales para sa taong 2025-2026 na sina James Carl Baes (Bise Presidente), Jun Cedric Cacho (Creative Director), at Keithlyn Cubio (Production Director).
Muli, isang taos-pusong pagbati sa lahat ng mga magsisipagtapos na Iskolegio! Kasama ninyo ang kultura at sining sa pagdiriwang ng inyong tagumpay. Padayon, CDM Class of 2026!
๐๐๐ค๐ข๐ฌ๐๐ฆ๐, ๐๐๐ค๐ข๐ฌ๐๐ฒ๐, ๐๐๐ค๐ข-๐๐ง๐๐๐ค!๐บ๐
28/06/2026
โจ ๐๐๐ฉ๐ฉ๐ฒ ๐๐ข๐ซ๐ญ๐ก๐๐๐ฒ, ๐๐๐ง๐ฃ๐๐ง! โจ
๐ Ngayong araw ay ipinagdiriwang natin ang kaarawan ng ating minamahal na ๐๐ซ๐๐ฌ๐ข๐๐๐ง๐ญ, si ๐๐๐ซ๐ค ๐๐จ๐ก๐ง ๐๐๐ซ๐จ! Bilang isa sa mga pinakamatagal nang mananayaw ng Indak Sining, kilala si Janjan hindi lamang sa kanyang dedikasyon sa pagsayaw kundi pati na rin sa pagiging charming, mabait, at maalagang lider. Sa kabila ng kanyang mga responsibilidad, laging nandiyan ang kanyang palabirong atake na nagpapagaan ng loob at patuloy na nagpapasaya sa buong grupo. ๐๐บ
โจ Nawaโy punuin ang bagong taon mo ng mas maraming tagumpay, mabuting kalusugan, at walang hanggang kaligayahan. Patuloy mong pangunahan ang ating pamilya nang may puso, at huwag kailanman magsawang ibahagi ang iyong alaga at mga biro na nagbibigay-buhay sa bawat ensayo natin. ๐บโค๏ธ
Mula sa ๐๐ง๐๐๐ค ๐๐ข๐ง๐ข๐ง๐ , isang espesyal na pagbati para saโyo! ๐๐
๐๐๐ค๐ข๐ฌ๐๐ฆ๐ ๐๐๐ค๐ข๐ฌ๐๐ฒ๐ ๐๐๐ค๐ข-๐๐ง๐๐๐ค! ๐บ๐
#๐๐๐ญ๐๐ค๐๐๐๐๐
#๐๐๐ฉ๐ฉ๐ฒ๐๐๐ง๐ฃ๐๐ง๐๐๐ฒ
24/06/2026
โจ๐จ๐๐ ๐ฒ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐จ๐๐๐๐ ๐ฒ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ฎ๐๐๐๐ ๐๐ ๐ฐ๐๐๐๐๐๐๐๐!! โจ
Higit sa bawat pagkumpas, paglukso, at pagbabahagi ng saya sa naganap na DOST-MIRDC 60th Anniversary sa Acacia Hotel, Alabang, binuhay ng Indak Sining ang makulay na kasaysayan sa pamamagitan ng ating mga kasuotan. Sa gitna ng kasiyahan, ang bawat miyembro ay tumindig bilang mga buhay na obra na kumakatawan sa yaman ng ating lahi.
Sa harapan ng lente, masusing inihandog ng ating mga mananayaw ang tikas at karakter ng mga katutubong anyo. Mula sa mainit na ngiti sa โ๐ท๐๐๐๐๐๐๐โ, ang maharlikang palamuti sa โ๐จ๐๐๐โ at โ๐ท๐๐๐๐๐๐โ, ang eleganteng bihis ng โ๐บ๐๐๐๐๐๐๐โ at โ๐ฑ๐๐๐ ๐ธ๐๐๐๐๐๐โ, hanggang sa makisig na tindig sa โ๐ด๐๐๐๐๐๐๐๐๐โ, โ๐ฉ๐๐๐๐๐๐๐โ, at โ๐ป๐๐๐๐๐๐๐๐โ, ang bawat hibla ng tela ay nagsasalaysay ng kwento ng ating bayan.
Ang mga larawang ito ay nagsisilbing patunay na ang ating tradisyon ay hindi lamang nananatili sa nakaraan, kundi patuloy na nagniningning at nakikipagsabayan sa kasalukuyanโkahit pa sa harap ng mga haligi ng agham at teknolohiya. Isang pagpupugay sa sining at kulturang Pilipino na taas-noong itinataguyod ng bawat Iskolegio.
๐๐๐ค๐ข๐ฌ๐๐ฆ๐, ๐๐๐ค๐ข๐ฌ๐๐ฒ๐, ๐๐๐ค๐ข-๐๐ง๐๐๐ค!๐บ๐