Mountain Goat Apparels

Call Directions

Mountain Goat Apparels Online Third Party Distributor of Cycling Apparels

02/09/2026

Nagpasya ang na maaaring patawan ng parusa ng homeowners’ associations (HOAs) ang mga miyembrong hindi nagbabayad ng kanilang kaukulang ambag o 𝘢𝘴𝘴𝘰𝘤𝘪𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘥𝘶𝘦𝘴. Gayunman, hindi maaaring ipagkait sa mga ito ang karapatan nilang gamitin ang mga 𝘤𝘰𝘮𝘮𝘰𝘯 𝘢𝘳𝘦𝘢, kabilang ang mga kalsada sa loob ng 𝘴𝘶𝘣𝘥𝘪𝘷𝘪𝘴𝘪𝘰𝘯.

Sa isang Desisyong isinulat ni Kasangguning Mahistrado Alfredo Benjamin S. Caguioa, isinantabi ng Ikatlong Dibisyon ng Korte ang petisyong inihain ng mga dating direktor at opisyal ng 𝙇𝙖 𝘾𝙤𝙨𝙩𝙖 𝘽𝙧𝙖𝙫𝙖 𝙃𝙤𝙢𝙚𝙤𝙬𝙣𝙚𝙧𝙨’ 𝘼𝙨𝙨𝙤𝙘𝙞𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣, 𝙄𝙣𝙘.
(Association).

Hindi nakapagbayad ang mag-asawang Linley at Juvy Retirado ng kanilang buwanang 𝘢𝘴𝘴𝘰𝘤𝘪𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘥𝘶𝘦𝘴 mula 2016 hanggang 2021. Dahil dito, itinuring sila ng Association na delinquent o may atraso sa pagbabayad at pinatawan ng iba’t ibang parusa.

Kabilang sa mga ipinataw na parusa ang pagbabawal sa paggapas ng damo o pagsasagawa ng 𝘮𝘢𝘪𝘯𝘵𝘦𝘯𝘢𝘯𝘤𝘦 sa loob ng limang metro mula sa kanilang ari-arian; pagbabawas sa dalas ng pagkolekta ng basura; pagbabawal sa paghahatid ng pagkain, package, appliance, at gas sa kanilang tirahan; pagpigil sa mga taxi, tricycle, at ride-hailing vehicle na pumasok sa 𝘴𝘶𝘣𝘥𝘪𝘷𝘪𝘴𝘪𝘰𝘯 para sunduin sila; pagbabawal sa kanilang mga bisita na pumasok sa 𝘴𝘶𝘣𝘥𝘪𝘷𝘪𝘴𝘪𝘰𝘯; at paniningil ng 𝘥𝘦𝘭𝘪𝘷𝘦𝘳𝘺 𝘧𝘦𝘦 sa mga truck at sasakyang naghahatid ng mga suplay at materyales sa kanilang construction site.

Naghain ang mag-asawa ng reklamo sa Human Settlements Adjudication Commission (HSAC), na nagpasyang labag sa Republic Act No. (RA) 9904, o Magna Carta for Homeowners and Homeowners’ Associations, ang mga ipinataw na parusa. Bukod dito, tuluyan ding inalis ng HSAC ang kuwalipikasyon ng mga opisyal na responsable sa pagpapatupad ng mga parusa para humawak ng anumang posisyon sa Association.

Umapela ang mga opisyal sa Court of Appeals pero hindi pinagbigyan ang kanilang petisyon.

Pinagtibay ng Korte Suprema ang naging desisyon ng HSAC hinggil sa mga ipinataw na parusa.

Itinatakda ng Seksyon 7(a) ng RA 9904 ang dalawang magkahiwalay na karapatan ng mga may-ari ng bahay o 𝘩𝘰𝘮𝘦𝘰𝘸𝘯𝘦𝘳𝘴: ang karapatang makinabang sa mga pangunahing serbisyo at pasilidad ng komunidad, at ang karapatang gumamit ng mga 𝘤𝘰𝘮𝘮𝘰𝘯 𝘢𝘳𝘦𝘢.

Nilinaw ng Korte na maaaring magpatupad ang HOAs ng mga parusa laban sa mga miyembrong may atraso sa pagbabayad, alinsunod sa kanilang mga alituntunin o 𝘣𝘺𝘭𝘢𝘸𝘴. Gayunman, may hangganan ang kapangyarihang ito. Maaaring paghigpitan ng HOAs ang paggamit o pagtamasa ng mga miyembrong may atraso sa pagbabayad sa ilang serbisyo at pasilidad ng komunidad, pero hindi nila maaaring ipagkait ang karapatan ng mga ito na gumamit ng mga 𝘤𝘰𝘮𝘮𝘰𝘯 𝘢𝘳𝘦𝘢, gaya ng mga kalsada.

Batay sa pagkakaibang ito, sinabi ng Korte na ang paghihigpit sa mga delivery, pagpasok ng mga sasakyan, at pagbisita ng mga panauhin ay tuwirang lumabag sa karapatan ng mag-asawa na gumamit ng mga kalsada sa loob ng subdivision.

Isinantabi rin ng Korte ang pahayag ng mga opisyal na hindi sapat ang bigat ng kanilang paglabag para tuluyang madiskwalipika sa paghawak ng anumang posisyon sa Association. Ayon sa Korte, ang paghihigpit sa paggamit ng mga kalsada sa 𝘴𝘶𝘣𝘥𝘪𝘷𝘪𝘴𝘪𝘰𝘯 para sa mahahalagang pangangailangan, gaya ng paghahatid ng mga produkto at transportasyon, ay nagdulot ng malaking pinsala at maaaring magbunga ng mapanganib na mga kahihinatnan. Dahil dito, itinuring ng Korte na sapat na mabigat at seryoso ang paglabag para bigyang-katwiran ang permanenteng diskwalipikasyon ng mga opisyal sa paghawak ng posisyon sa Association.

Basahin ang kabuuan ng 𝙋𝙧𝙚𝙨𝙨 𝙍𝙚𝙡𝙚𝙖𝙨𝙚 sa https://sc.judiciary.gov.ph/sc-homeowners-associations-may-sanction-delinquent-members-but-cannot-restrict-use-of-subdivision-

Basahin ang kabuuan ng 𝘿𝙚𝙨𝙞𝙨𝙮𝙤𝙣 sa https://sc.judiciary.gov.ph/278137-reuben-mikhail-p-sabig-et-al-vs-court-of-appeals-18th-division-cebu-city-and-spouses-linley-and-juvy-retirado/

Sumunod sa 𝘾𝙧𝙚𝙙𝙞𝙩 𝘼𝙩𝙩𝙧𝙞𝙗𝙪𝙩𝙞𝙤𝙣 𝙋𝙤𝙡𝙞𝙘𝙮 ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/

Address

32 Foster Street , Barangay. New Kababae
Olongapo
2200

Telephone

09997223614

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mountain Goat Apparels posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Nearby gyms & sports facilities