17/02/2026
🏆 1st Inter-Purok Basketball Tournament– Championship Edition🏆
Isang matagumpay at makabuluhang pagtatapos ng ating kauna-unahang liga!
Taos-pusong pagbati sa lahat ng nagwagi mula 2nd Runner-Up, 1st Runner-Up, hanggang sa ating Champion. Ipinakita ninyo ang tunay na determinasyon, husay, at puso sa bawat laban. 👏
Ngunit para sa amin, panalo ang lahat ng manlalaro. Sa bawat laro ay may panalo at may talo, ngunit ang tunay na tagumpay ay ang pagkakaisa, respeto, at sportsmanship na ipinamalas ninyo hanggang sa huli. Saludo kami sa inyong pagtitiis at pagbibigay ng buong puso para sa inyong koponan at Purok. 🏀🔥
Lubos din ang aming pasasalamat sa ating management team at mga referees na naging patas at nagsikap upang maging maayos at matagumpay ang bawat laro.
Espesyal na pasasalamat kay Hon. Abdillah Kapina sa kanyang patuloy na suporta at mahusay na pamumuno na naging malaking bahagi ng tagumpay ng ating liga.
Gayundin kay Mekdad Sulaiman, SK Chairman ng Barangay Colube, kasama ang mga ating mga Kagawad, sa kanilang aktibong pakikiisa, pagbibigay ng paalala, at pagsisiguro na ang bawat manlalaro ay ligtas at maayos ang bawat laban.
Sa lahat ng naging bahagi ng palarong ito — maraming salamat sa inyong suporta at kooperasyon. At kung sakaling may pagkukulang man ang management o ang sinuman sa amin, taos-puso po kaming humihingi ng paumanhin.
Muli, congratulations sa lahat! Tunay na panalo ang ating komunidad. Hanggang sa susunod na liga! 🎉🏀