13/08/2025
LAHAT NG PUBLIKONG PAARALAN, MAGKAKAROON NG SCHOOL SPORTS CLUBS 🏃♂️🏐🏸
Bilang tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa mas malusog at mas aktibong mamamayan, iniutos ko ang pagtatatag ng School Sports Clubs sa lahat ng pampublikong paaralan sa bansa.
Layunin nito na palakasin ang katawan, linawin ang isipan, at ihanda ang ating mga kabataan na makabawi mula sa learning loss na dulot ng pandemya.
Hindi lang ito tungkol sa paglalaro. Ito ay tungkol sa disiplina, teamwork, at tibay ng loob na kanilang madadala hanggang sa tunay na buhay.
Sa bawat oras na ginugugol nila sa laro at ensayo, pinapalakas din natin ang kanilang konsentrasyon, memorya, at kakayahang magtagumpay sa klase.
BASAHIN: https://www.deped.gov.ph/2025/08/11/mas-malusog-mas-aktibo-deped-maglalagay-ng-school-sports-clubs-sa-public-schools/
15/05/2025
14/03/2025
03/06/2024
31/05/2024