22/09/2026
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ โ ๐๐๐๐๐๐ ๐
Isinagawa ngayong ika-22 ng Setyembre 2026 ang opisyal na paunang imbentaryo at pagsusuri ng lahat ng ari-arian at kagamitan ng Barangay Dalnac Paracale CN at ng Sangguniang Kabataan.
Sa pamumuno nina Punong Barangay Hon. Norlito H. Umerez at SK Chairperson Glenn D. Fugado, tiniyak nating ang bawat kasangkapan ay nasa tamang kondisyon, nakatala nang wasto, at walang nawawalang kagamitan at ari-arian ng Barangay at SK. Layunin nito na matiyak na ang lahat ng kagamitan ay kumpleto at maayos na naitala bilang paghahanda sa wastong turnover, sakaling matuloy ang halalan ngayong taon.
Ang ganitong pagsusuri ay hindi lamang kinakailangan, ito ay pagpapakita ng katapatan at malasakit sa taumbayan. Ang bawat pag-aari ay pag-aari ng mamamayan, kayaโt tinitiyak nating maingat itong mapapasa sa susunod na pamunuan. Ang layunin: manatiling maayos ang serbisyo, maging bukas ang lahat ng talaan, at patuloy na makinabang ang bawat kabataan at pamilya sa ating barangay. ๐๐