Hilarist TV

Hilarist TV

Share

Hilarist TV- Poetry, Sports, Music, & other current event

14/03/2024

GINTONG KAIBIGAN
By : Aristotle C. Borla
(11-23-06)

Tunay na kaibigan ano nga ba,
Gintong kaibigan sino nga ba, Siya ba ang taong nandiyan pag may kasiyahan,
O siya ba na nandiyan pag may kailangan?

Siya ba ang kaibigan na parang bangaw,
O ang tipong may ugaling balat kalabaw,
Siya ba ang kaibigan na may tunay na kalooban,
O ang kaibigan na pagtalikod mo ay isa kanang pulutan.

Tunay na kaibigan ano nga ba,
Gintong kaibigan sino nga ba,
Siya ba na nandiyan pag may kailangan,
O siya ba na nandiyan pag may kasiyahan?

Ang ulirang SANGKAY nandiyan ano mang oras,
At hindi nasusukat sa regalong kilu-kilong ubas,
Ang totoong kaibigan di kailangan palaging kasama,
Na kahit sa anumang gawain o saan man pumunta.

Ang wagas na kaibigan di parang tsenelas,
Saan man magtungo di mag-aalingan kumaripas,
Ang gintong kaibigan nakikita ang mali mong nagawa,
Pagsasabihan, paaalalahanan ka na may pang-unawa.

Sa pagtulong di kailangang ngawa ka ng ngawa,
Na ipinagkalalandakan ang pagtulong sa kapwa,
Di mo man makita ang mahahalaga kung nagawa,
Maalala mo rin pag di muna ako makita.

Ang gintong kaibigan salat man sa salapi,
Sa pagtulong naman walang makakagapi,
Di man siya makatulong sa aspetong pampinansiyal,
Nandiyan naman siya pang-emotional at espiritual

Ang mahalaga bago ako makipagbulungan sa bulate,
Sa buhay mo'y ako'y naging importante,
Sa pagdating ng araw may anak ka nang estudyante,
Ito'y magagamit mo rin sa tama at di sa pag konsente.

FB PAGE : HILARIST TV
YTC : HILARIST TV👇👇👇
https://youtu.be/cZFTqTY9GwY?si=4j78hDRHh5qdHqIX

Photos from Hilarist TV's post 01/01/2024

HILARIST TV MUGS & PENS

Want your business to be the top-listed Gym/sports Facility in Pasig?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Address


Eagle
Pasig
1602