22/10/2026
📢PAUNAWA | BARANGAY ASSEMBLY DAY 2026📢
🇵🇭BARANGAY ABAROAN, ROXAS, PALAWAN
Inaanyayahan po ang lahat ng mga residente ng Barangay Abaroan na dumalo sa ating Barangay Assembly Day sa darating na Linggo!
🗓️Petsa: Oktubre 25, 2026 (Linggo)
🕛Oras: 1:00 ng hapon
📍Lugar: Barangay Abaroan Covered Gym
🗣️TEMA
"Tayo na sa Barangay Assembly! Nagkakaisang Tinig, Makabuluhang Usapan, at Sama-samang Pagkilos para sa Ating Komunidad."
Ito po ay pagkakataon upang tayo ay magkaisa, magbahagi ng mga saloobin at mungkahi, talakayin ang mga mahahalagang usapin sa ating barangay, at sama-samang makilahok para sa patuloy na pag-unlad ng ating komunidad.
🤝Ang inyong presensya, tinig, at pakikilahok ay mahalaga!
Kaya naman, hinihikayat po ang bawat pamilya at mamamayan ng Barangay Abaroan na makiisa at dumalo
Sama-sama nating itaguyod ang isang nagkakaisa, maunlad, at mas matatag na Barangay Abaroan!💚