Swimming Pool Balay Tuko

Swimming Pool Balay Tuko

Share

The largest Indoor Swimming Pool in Palawan! The coolest and cleanest water! You can enjoy the pool even during the rainy season.

Swimming Lessons and Competition Training by accredited coaches and our lifeguard.

Photos from Puerto Princesa City Agriculture Office's post 14/01/2026
01/11/2025

Congratulations 𝗟𝗶𝗮 on completing the 𝙅𝘼 𝙎𝙒𝙄𝙈 𝘾𝙇𝘼𝙎𝙎 Learn to Swim Program!🤩👏✨

Way to go! You're now a confident swimmer!🏊🏻‍♀️

01/11/2025
17/08/2024

During total black-out, swim at Balay Tuko Garden Inn: the coolest indoor pool with solar filtration.

03/05/2024

Beat the heatwave & come swim in the best indoor swimming pool with water at 28 degrees Celsius and sheltered from the sun.

21/01/2024

FAQs: Dagdag na pagtaas sa PALECO Power Rate sa taong 2024 dahil sa EPSA 2

1. Bakit kailangang sumailalim muli ng PALECO sa isa pang EPSA?
• Sa darating na ika-25 ng Enero 2024, matatapos ang isa (1) sa dalawang (2) Electricity Supply Agreement (ESA) sa pagitan Palawan Electric Cooperative (PALECO) at Independent Power Provider (IPP) nito na Palawan Power Generation, Inc. (PPGI) para sa 7.2 MW na suplay ng power sa Palawan Main Grid. Liban pa rito, nakita rin na ang forecasted demand para sa taong 2024 ay nasa 12.95MW at posible pang mas maging mataas.
• Upang maiwasan ang malawakang ROTATIONAL BLACKOUT, isang Emergency Power Supply Agreement (EPSA) sa pagitan ng PALECO at DMCI Power Corporation (DPC) ang nilagdaan noong ika-12 ng Enero para sa 15 MW na suplay ng power na may bisang isang (1) taon.

2. Bakit hindi naagapan ang napipintong kakulangan ng suplay ng power buhat ng pagtatapos ng supply agreement sa pagitan ng PALECO at PPGI?
• Taong 2018, sinimulan ng PALECO ang paghingi ng approval mula sa NEA at DOE upang makasagawa ito ng Competitive Selection Process (CSP) para sa 20 MW na suplay ng power ngunit taong 2020 lamang ito napahintulutan. Sa kaubuhan ay inabot ng limang (5) taon ang naging proseso nito, kung saan ang kumpanyang SI Power Corporation (SIPCOR) ang siyang nanalo, hanggang sa pirmahan ng Power Supply Agreement (PSA) noong ika-23 ng Enero 2023. Sa kasalukuyan, kulang pa rin sa mga dapat ipasang dokumento ng SIPCOR upang ma-i-file sa Energy Regulatory Commission (ERC) ang nasabing PSA kaya’t hindi pa ito makapag suplay ng kuryente.

3. Ano ang magiging epekto ng EPSA 2 sa mga konsumidores ng PALECO?
• Alinsunod sa Department of Energy (DOE) Department Circular No. DC2023-06-0021, ang isang EPSA ay maaaring agarang ipatupad ngunit WALANG SUBSIDIYANG matatanggap ang Electric Cooperative (EC) na sumailalim sa nasabing agreement. Ibig sabihin, sa halip na Subsidized Approved Generation Rate (SAGR) ang tanging babayaran ng PALECO ay magiging True Cost of Generation Rate (TCGR) ito.

4. Magkano ang itataas ng singil sa kuryente?
• Sa isang Advisory na inilabas ng ERC noong ika-23 ng Hunyo, 2023 nilinaw nito na ang taripa para sa TCGR ng isang EPSA ay dapat na hindi tataas sa latest ERC-approved generation tariff for the same technology in comparable areas. Ito ang muling magiging basehan ng PALECO at DPC para sa TCGR. Sa buwanang ilalabas na Power Rates ng PALECO, ipapagsama-sama (blended) na nito ang TCGR sa DPC, TCGR sa DPI, SAGR sa ESA-2 sa PPGI (para sa 10 MW na suplay ng power) at SAGR mula sa DMCI Power Corporation (PDC).
• Dahil sa naunang EPSA sa pagitan ng PALECO at Delta P Inc. (DPI), kasalukuyang naglalaro ang ating Power Rate sa halos Php 15.00 subalit sa araw na maipatupad ang EPSA 2, maaaring madagdagan ito ng hanggang Php 3.00 simula sa buwan ng Marso (konsumo sa buwan ng Pebrero).

5. Sino ang mga apektado sa nasabing pagtaas ng singil?
• Lahat ng may koneksyon sa PALECO sa Lungsod ng Puerto Princesa, Munisipyo ng Roxas, Taytay, Dumaran (mainland), Aborlan, Narra, Brooke’s Point, Sofronio Española, Quezon at Bataraza o iyong mga lugar na konektado sa Palawan Main Grid o iyong mga lugar na kasama sa mabibigyang power ng DPC.

6. Saan mapupunta dagdag na singilin?
• Tulad sa naunang EPSA (EPSA 1 – Delta P Inc o DPI), mapupunta sa DMCI Power Corporation (EPSA 2 – DPC) ang LAHAT ng dagdag sa Power Rate upang pambayad sa isusuplay nitong 15 MW sa Palawan Main Grid.

7. May mararanasan pa bang pagtaas sa singilin para sa taong 2024 maliban pa sa buhat ng dalawang (2) EPSA?
• Meron. Alinsunod sa desisyon ng ERC sa ERC Case No. 2018-048 RC base na rin sa petisyon ng National Power Corporation (NAPOCOR) patungkol sa pagtaas ng SAGR para sa mga Distribution Utilities (DUs) at New Power Providers (NPPs) na kabilang sa Small Power Utilities Group (SPUG) katulad ng PALECO at Power Providers nito, unang nagpatupad ng pagtaas sa singil sa SAGR ang PALECO noong 2022 na may halagang P0.7288 per kilowatt-hour (kWh), samantalang nagtaas naman ito para sa taong 2023 ng P1.3116/kWh at P1.7496 per kWh naman ang itataas para sa taong 2024.

MGA GINAGAWANG HAKBANG NG PALECO

1. Nakipag ugnayan ang PALECO sa Local Government Units (LGUs) sa Lungsod ng Puerto Princesa at Lalawigan ng Palawan upang mapabilis ang pagkuha ng Environmental Compliance Certificate (ECC) ng SIPCOR sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na siyang kanilang kulang na dokumento upang ma-i-file ang PSA sa pagitan nito at ng PALECO sa ERC.

2. Humihingi rin ng tulong sa mga LGU ang PALECO upang ipaglaban ang nakasaad sa Republic Act No. 9136 o ang Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) of 2001 na ang mga Small Power Utilities Group (SPUG) area, tulad ng PALECO, ay nararapat na makatanggap ng subsidiya para sa generation ng power ng mga ito kahit pa sumailalim ito sa isang EPSA.

3. Sinimulan na ang pagsasagawa ng Competitive Selection Process (CSP) para sa 42 MW na suplay ng power sa Palawan Main Grid.

Para naman sa karagdagang detalye ukol sa naunang EPSA, maaring bisitahin ang mga link na ito:
https://tinyurl.com/EPSAFAQs-0
https://tinyurl.com/EPSAFAQs-1
https://tinyurl.com/EPSAFAQs-2
http://tinyurl.com/EPSAFAQs-3

Want your business to be the top-listed Gym/sports Facility in Puerto Princesa?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Address


Purok Bayanihan, Corner San Manuel Road, Barangay San Manuel
Puerto Princesa
5300

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm
Saturday 9am - 5pm
Sunday 9am - 5pm