Vallena's Ahon at Agos.

Vallena's Ahon at Agos.

Share

Dokumentaryo ng bawat akyatan at daloy ng pakikipagsapalaran. ⛰️🌊 #VallenasAhonAtAgos

20/05/2026

Kung ang 29er na gulong ay may circumference na mahigit dalawang metro, ilang beses kaya iikot ang gulong ko sa 10km na ride na 'to? Mahirap sagutin? Sabayan niyo ako sa pag-compute habang ine-enjoy ang view! Laging tandaan, ang kaalaman ay kapangyarihan!

19/05/2026

Bike to Work benefits!
​Hindi lang binti ang pinapalakas ng pag-bi-bike! Alam niyo ba na pati ang ating mental health ay natutulungan nito? Ang pagpedal ay naglalabas ng endorphins o 'yung tinatawag nating happy hormones. Kaya imbes na ma-stress sa traffic, mag-bike na lang!

04/05/2026

Alam niyo ba kung bakit laging pataas ang gitna ng mga kalsada natin..? Hindi lang 'yan basta-basta semento! Sabayan niyo ako mag-ride habang tinitignan natin ang siyensya sa likod ng bawat pedal. Laging tandaan; Ang buhay ay parang pagba-bike, kailangan mong magpatuloy para hindi ka matumba..!

10/04/2026

ALAM NIYO BA? (The Touch-Me-Not Challenge)
Habang umaakyat, minsan may nadidikit sa balat natin na dahon o damo na sobrang makati at nag-iiwan ng pantal. Sa English, tinatawag itong Poison Ivy o Stinging Nettle.
​I-comment ang iyong sagot! Alam niyo ba kung bakit ito nangangati..?

Photos from Vallena's Ahon at Agos.'s post 08/03/2026

TAGUMPAY SA TIMBERLAND: 7-Eleven Trail 2026 Recap! 🏁🔥
Isang matinding ahon at bakbakan ang naganap sa Timberland Heights para sa 7-Eleven Trail 2026! 🚵‍♂️💨 Mula sa kaba sa start line hanggang sa pawis at ngalay sa finish line, ramdam ang bagsik ng trail at ang saya ng bawat padyak.
​Kahit anong tindi ng ahon, basta may agos ng determinasyon, siguradong makakarating sa dulo. Maraming salamat sa lahat ng nakasabayan at bumati sa trail! Kitakits muli sa susunod nating akyatan! 🏔️​

Photos from Vallena's Ahon at Agos.'s post 01/03/2026

7-Eleven Trail 2026 Preparation! 🚵‍♂️
Mga ka-Ahon at Agos! 🌊🏔️
​Kaka-check lang natin ng ruta na dadaanan ngayong March 08! Sinubukan nating pasukin ang mga trail areas para hindi mabigla sa actual trail. Narito ang ilang kaganapan sa aming recon ride.
📍​Kasoy Checkpoint. Mainit pero napakaganda ng view! Dito pa lang, ramdam na ang excitement (at ang hingal!).
🛑 Cut-Off Area. Paalala sa sarili at sa lahat—kailangang maging disiplinado sa oras para hindi abutin ng cut-off.
🤝 The Squad. Masaya palagi basta kasama ang tropa na parehong mahilig sa padyak at kalikasan.
​Malapit na ang March 08, Handa na ba ang inyong mga tuhod at bike? Wave D represent! Kita-kits tayo sa Timberland!

Photos from Vallena's Ahon at Agos.'s post 22/02/2026

Padyak sa Ulap: Mt. Sto. Tomas Experience 🏔️🚲
Maraming salamat kay Mayor Benjamin Magalong para sa Fun Ride na ito! Kung hindi dahil sa event na 'to, hindi namin mararanasan ang galing at lamig sa tuktok ng Sto. Tomas. Restricted man sa publiko, heto ang silip sa ganda ng Benguet.

Photos from Vallena's Ahon at Agos.'s post 19/02/2026

Salamat sa mga bagong followers ng Vallena's Ahon at Agos! 🚵‍♂️⛰️
​Dito ko ibabahagi ang mga dokumentaryo ng bawat akyatan at pakikipagsapalaran natin—mula sa chill rides hanggang sa mga matitinding ahon. 🌊🔥
​Abangan niyo ang mga clips ko sa darating na March 08 para sa 7-Eleven race sa Timberland! Huwag kalimutang i-check din ang aking YouTube channel para sa full vlogs. Ride safe sa ating lahat!

Photos from Online mountain bike accessories's post 19/04/2025

This is the longest bike ride, from Quezon City to Baguio. It took a long time, 262.84km

09/04/2025

The love is in this respect, not that we have loved God, but that he loved us and sent his Son as a propitiatory sacrifice for our sins. 1John 4:10

01/04/2025

Dumating ako hindi para tawagin ang mga matuwid, kundi para akayin sa pagsisisi ang mga makasalanan.” Lukas 5:32

Want your business to be the top-listed Gym/sports Facility in Quezon City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Quezon City
Quezon City