Pusong Pilipino

Pusong Pilipino

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Pusong Pilipino, Sports, Quezon City.

26/09/2022

"Excellent Move by Will"

Barely a week after William Navarro, the PBA drafted(drafter) and Gilas player, was denied by FIBA a letter of clearance to play for the Pro Legue in Korea, he immediately presented himself to # SBP, like the Biblical prodigal son.

Sigurado akong pinag-ipunan ni Will ng sobra-sobrang lakas ng loob para magawa niya itong bagay na ito, hindi madali sa isang tao, lalong lalo na si william navarro ba pagka bente anyos lamang at tatlo na magkaroon ng maturity sa pag-iisip at kalooban na tanggapin niya ang mali, at pag-naisin niyang ituwid sa tama alang-alang sa kabutihan ng Philippine Basketball Hinangaan ko si master William Navarro sa kanyang ipinakitang gilas na dapat naman na makikita natin sa lahat ng players natin ng Gilas Pilipinas. Nang mabasa ko ang statement ni will, nabuhay ang pag-asa ko sa ikakabuti ng Basketball sa Pilipinas papunta sa World cup 2023. Hooray for Will Navarro !

Sa sa pinamalas na kagilingan ni will, ay sana maigting ang Puso ng mga SBP Leaders, na sigurado din naman akong mangyayari. Hindi ako nanghuhula. Binabase ko ito sa dating pangyayari na nag paalam si kiefer Ravena sa kanyang PBA team at sa buong PBA team para maglaro sa Japan.

Magandang ehemplo itong ginawa ni Will Navarro, kaya naman sana payagan din siya ng PBA at ang PBA team niya na matuloy na nga siya sa Korea.

It took a young man like will to set an example for the Filipino athlete. Isang sportman and gentleman. Hindi naten ito masasabi sa ating dating coach ng Gilas na dayuhan na naghintay pa ng walong buwan para magsalita at aminim ang katotohanan kung bakit siya nagbitaw sa pagiging coach at leader ng Gilas.

Sabi ko na nga ba, ang bayaning pilipino ay siguradong taga pilipinas, hindi natin maasahan na maging bayaning Pilipino ang isang hindi pilipino.

Sana matuto tayo ng isang mariin na leksyon dito.

Mabuhay ang Pilipino!
Mabuhay ang Pilipinas!

PUSO!

18/09/2022

Coach Tab Baldwin, Nagsalita na din!

Makalipas ang walong buwan, naglabas na din sa wakas ng kanyang statement si coach Tab Baldwin. Marami siyang sinasabi na tungkol sa trabaho niya sa National Team( Gilas ), SBP at sa Ateneo. Kapag sinuri mo ng husto ay parang maraming kontradiksyon sa isa't isa. Mayroon dito na siya ay SBP Program Director at ang isusulong niyang interest ay SBP lamang at hindi kung sinong interest lamang, parang patama ito na wala siyang p**i alam sa PBA kahit na alam niya na ang PBA ay miyembro ng SBP. Kaya dapat huwag niyang isantabi ang interest ng PBA. Doon pa naman kumukuha ang sbp ng majority ng National Players parasa international games. Pagkatapos, Kumambyo siya na Ateneo lang ang kanyang interest at hindi ang interest ng Gilas o Samahang Basketbol ng Pilipinas - SBP .
Nakakalito man sa umpisa, siguradong may explanation naman ito at hindi ito makakalagpas sa ating mga netizens.

Sa totoo langmay dalawang kahina-hinalang pangyayari at pagkakatapm na kaagad magbibigay liwanag sa ating mga netizens. Una, lumagpagpas ang walong buwan bago nagsalita si coach Tab, at pangalawa ay kung sinasabi niyang mahal niya sa MVP eh bakit hindi siya nagsalita sa TV5 O News5, or kay Commissioner Noli Eala na "power play" at ginusto niyang magsalita sa SPIN.ph ?
Ang dalawang bagay na ito ay ang "dead-giveaway".

Sumusuporta ba talaga si coach Tab sa Gilas? O sumusuporta lang siya sa " We Want Tab"?
Kung nagsasabi siya ng katotohanan ay bakit inabot ng 8 months bago siya nagsalita?
Ang sabi niya eh dahil naeengganyo siya sa mga pahayag nila Clarkson at Ramos na naglakas loob punahin ang crowd sa laro ng Gilas Vs Saudi Arabia na ginanap sa Moa Arena. Ibig bang sabihin ni coach Tab eh naduwag siyang magsalita ng katotohanan at kinailangan niya pa si Clarkson na isang linggo palang noon sa Pinas at pinunana ang Pinoy crowd?

Unang una, si coach Tab na magaling na coach ay hindi naman isang Pilipino. Hindi ko alam kung siya ay American or taga New Zealand or taga Turkey? Nung isang game nga ng Pinas laban sa New Zealand na ginanap sa China noong Qualifiers, ni hindi man lang siya nagbigay galang sa Lupag Hinirang na ating National Anthem, ang masama pa rito ay sa NewZealand national anthem pa siya nagbigay galang.
Paano naman natin mabibigay ang "Trust and Confidence" sa isang magaling na coach kung ang puso niya ay nasa ibang bansa. Paano naman ang sinisigaw nating "PUSO" ng Pilipino?

Pangalawa, ang mga pananalita ni coach Tab sa Spin.ph ay respetado at mahal niya si MVP. Alam din naman niya na may TV and Radio Network si MVP, nandito naman si coach Tab sa Pinas, eh bakit nagpa interview pa siya sa Chicago?
Kung ang interest ng SBP o PBA and nais mong itaguyod, hindi ka na pupunta sa abroad para itaguyod ito.

Sa totoo lang sa tingin ko wala talagang balak magsalita yan si coach Tab sa Pinoy. Ang talagang palagay ko ay may isang pangyayari sa buhay ni coach Tab na alam ni Spin.ph kaya ginagagamit nila ito kay coach Tab upang sa kanila maglabasng statement🤔

Ang totoo nito, pakana ito ng Spin.ph. Hindi naman apology ang ginawa ni coach Tab. Hindi naman siya nag apologize kay coach Chot, sa Gilas, sa mga Pilipino at lalong lalo na sa mga taong naapektuhan sa hindi niya pagsasalita ng ilang buwan.
Kailangan pa siyang mapilitan magsalita doon pa mismo sa Chicago tapos babalik sa Pinas, Para saan pa?
Para ba suportahan ang Pilipinas o para sa sarili?

Narinig ba natin si coach Tab na sabihan ang Netizens na tigilan na nilaang "WeWantTab"? Hindi!

Ang mga statement ni coach Tab sa interview ay pagtatanggol niya lamang sa sarili at hindi sa pag-hindi ng dispensa.

Pero bibigyan padin natin si coach Tab ng pagkakataon. Coach , magpainterview ka sa Philippine Media at dito ka humingi ng tawag sa mga kababayan natin!



📸 Juaqui Flores ( Tie Breaker Times )

16/09/2022

SENADO FULL SUPPORT SA GILAS!

Kamakailan sa pangunguna ni Sen. B**g Go, and Senado ay nagpahayag ng full support nila sa FIBA Basketball World Cup 2023. Ang bagong PSC Chairman Noli Eala,ang POC President Bambol Tolentino, and Game and Amusement Board, and Comissioner ng PBA na si Willie Marcial at ang Presidente ng SBP na si Al Panlilio ang mga dumalo sa senate hearing na ito.

Ang hiniling ng SBP ay financial support sa pag host ng World Cup sa susunod na taon, maguumpisa ito ng Agosto hanggang Setyembre

Nakakagalak makinig sa mga mambabatas na sina Sen. Joel Villanueva, Sen Alan at Pia Cayetano, si Sen. Mark Villar at Sen. Sonny Angara na gagawin nila ang makakaya nila na mailagay sa budget ang hihingiin ng SBP Samahang Basketbol ng Pilipinas - SBP dahil ang ultimong makikinabang nito ay ang bansang Pilipinas at ang mga Filipin basketball fans. Bilyon-bilyon piso pala and direct and indirect benefits palaang makukuha ng Pinas dito.
Humingi din ng suporta ang SBP sa Senado para sa mabilisamg pag naturalize ng dalawa pang foreign players para maisama sa pool at line-up ng Gilas.

Kaya ngayon, ang stakeholders ng basketball para sa FIBA WORLD CUP 2023 ay hindi lang SBP, POC, PSC, PBA, UAAP and NCAA kundi kasama na rin pati ang Senado, ang Gobyernoat ang buong Pilipinas.

Napuna din ni Sen. Joel Villanueva ang problema ng nananakaw na Filipino players na nagiging OFW sa Japan, Taiwan at Korea. Sabi niya, hindi natin mapipigil ito dahil tatlong beses ang laki na binibigay nilang sweldo kumpara sa PBA. Kaya nga dapat gumawa ang Senado at Congreso ng batas para mapanatili ang mga Filipino Players na maglaro para sa bansa at ito ay magagawa sa hindi sapilitan na pamamaraan.

Tama sila at ito nga ang noon ko pang sinasabi dito sa page ko. Nakumpirma lang natin ngayon na ang basketball at isang paraan upang magkaisa ang bawat Pilipino kahit magkakaiba ang paniniwala sa pulitika. MABUHAY ANG BASKETBOLISTANG PINOY! PUSO!

01/09/2022

Panalo tayo!

Sa wakas panalo tayo. Convincing pa. Salamat sa bayang Pilipino. Daming nanood sa arena at sa TV. Sana maulit muli. Ang galing ng three pointers ni Clarkson. Galing ni Dwight, Ravena brothers at ang lahat ng Gilas players. Outstanding ang dipensa nina Scottie and Thirdy laban sa point guard ng Saudi. Maganda din ang nilaro ng Saudis kaya lang mas kahanga hanga parin ang mga Pinoy. Kahit tambak ang score, mataas parin ang mga ulo at balikat ng mga Saudi players. Pag uwi kaya nila i-ba-bash kaya nila ng mga kababayan nila? Ang tingin ko hindi gagawin yon ng mga Saudis sa mga players nila.

Ang Saudi Arabia ay isang kaharian. Ang salita ng hari ay batas. Tingin ko walang bashers doon, kundi putol ang ulo ng bashers.
Swerte pa nga tayo sa Pinas makaka bash parin tayo dito. Pero dapat sa tamang paraan. Hindi dapat bashing, dapat pag puna lamang.

Sa kabilang dako, naririnig ko na si Atty. Noli Eala na ang magiging chairman ng Philippine Sports Comission. Ang PSC ay parang kabinete na rin ng presidente ng Pilipinas. Ito ay ginawa para sumuporta sa lahat ng larangan ng palakasan sa bansa. Mariin ko ulit na sasabihin na “SUPORTA” at hindi panghihimasok, kasi pag nalaman ng International Olympics Committee na nanghihimasok ang gobyerno sa isports, ay ma-di-disqualify ang bansang iyon sa laro ng olympiada. Ang pwedeng suporta ng gobyerno sa isports ay finansyal at moral na suporta. Hindi pwedeng gawin ng PSC na pumili ng players para sa isang sport, yun ang pang-hihimasok na.

Dahil abogado na si sir Noli, na dati na ding Commissioner ng PBA at Executive Director ng , alam na alam nya ito,” kaya naman masasabi ko ng welcome appointment ang patatalaga kay Comm. Noli, at good luck sa iyo Comm. Noli at good luck din sa inyo PSC sa pag-sawata sa mga bashers for fame or for money.

Ang sport kinahihiligan ni now PSC Chairman Noli ay ang rowing. Malakas Pinoy dito. Marami na din ang mga medalya na panalo ng Pinoy dito. Di lang masyadong sikat para sa Basketball. Madali tayong gagaling sa rowing kasi madaming tubig sa Pilipinas. 7,100 plus islands natin, kaya halos lahat ng Pilipino nakatira sa ilog, lawa o sa dagat.

Dahil PSC Chairman si Noli Eala, siguradong lalakas na rin ang suporta sa rowing as a sport. Kaya lang, pag gumaling na tayo dito, at marami ng panalo, isang talo lang ay madurungisan na yan ng mga bashers.
Pag nagkataon lagot ang mga bashers na yon na nag mumura, nanglalait at nang-yuyurak ng character at pagkatao ng isang manlalaro, coach o administrator. Lagot kayo dahil hindi kayo palalampasin ni Chairman Noli. Sana nga ngayon pa lang ay i-file na ni Chairman Noli ang mga kaso laban sa mga nag mumurang bashers na yon, bilang suporta nya sa Philippine sports.

Balik Basketball tayo. Nabasa ko na sinali ng mga basketball officials, Government officials at maraming fans na suportahan na natin ang Gilas. Nakita na natin kasama si PBBM na nagkaisa na ang bayan sa basketball. Sinabi na din ni Coach Tab na suportahan na natin ang Gilas. Kaya ang mga bashers, na tingin ko ay hindi pa rin titigil ay laos na. Hahanap nalang sila ng isports na pwede nila ulit banatan para lang mabasa at mapanood sila para makakuha ng advertisers.

Photo from: Samahang Basketbol ng Pilipinas - SBP

19/08/2022

"PINALAKAS NA GILAS"
August 19, 2022

Nandito na si Kai Sotto at padating na din si Jordan Clarkson. Pwede na ang PBA Players to join the team. Napili na ang "trigo" at nahiwalay na ang hibla sa mga kadets. Ang resulta ay ang isang Pinalakas na Gilas.

Maraming salamat sa mga diyos ng basketball sa Piliinas. Kaya hindi capital ang "d" ay para hindi mapagkamalang Diyos sa langit. Ang mga diyos sa lupa ay ang mga "amo", bakit sila amo? Kasi sila ang may say o may karapatang magsalita para sa basketball ng Pilipinas. Hindi lang ito Samahang Basketbol ng Pilipinas - SBP , marami pang kasama ang SBP sa pangangalaga ng paborito nating sport sa bansa, kasama na dito ang PBA, PBA D-League, UAAP, NCAA,MPBL, chooks to go 3x3 at marami pang iba.Sila ang gumagastos ng pera, panahonat talino upang ang basketball ay mapanatiling malakas, malinis at kaaya aya para sa buong bayan.

Kamakailan lang ay nagsalita na ang presidente ng SBP na si Al Panlilio, sinegundahan siya ng main benefactor ng international basketball sa Piliinas na si Manuel V. Pangilinan. Tumersera sila Al Francis Chua ng San Miguel at iba pa... Lahat sila nagsabing "Move Forward", ang ibig sabihin pala nito ay palakasin na ang koponang Gilas Pilipinas. Siguradong tumabo nanaman ang salapi mula sa mga diyos ng basketball natin upang mabuo itong cast of players para sa 4th window ng FIBA WC 2023.

Mahirap magsalita ng patapos, pero pag nanalo tayo sa laban sa Lebanon, pwede na nating sabihin na "all worth it" ang mga nakaraang pagsubok sa Gilas. Nasukat na natin ang kalaban kaya ngayon naman, maglalaro tayo ng ganang atin! Masarap abangan ang nga susunod ng mga mangyayari...

16/08/2022

SALAMAT NETIZENS

Maraming salamat sa inyong pagtangkilik sa aking mga pahayag. Nakakatuwa na mas marami palang matitino sa ating mga nagmamahal sa basketball na totoong fans at hindi bashers hehe. Sana dumami pa kayo! Godbless sa ating lahat🙏🇵🇭

06/08/2022

" Ang Pahayag Ng SBP "

Sa wakas nagsalita nadin ang mga may authority sa basketball dito sa Pinas. Ngayon nalaman na natin kung bakit si Chot Reyes ang nahirang muli na coach ng Gilas. Nagbitiw pala so coach Tab Baldwin sa pagiging coach ng Gilas Pilipinas at siya pa mismo ang nagrekomenda kay coach Chot Reyes ang pumalit sa kanya.

Kapanipaniwala kaya ang mga payag na ito ng Samahang Basketbol ng Pilipinas - SBP ?🤔 Bakit Oo o bakit naman kaya hindi???

Doon muna tayo sa Oo kapanipaniwala, sino pa kaya sa SBP ang mas mataas pa sa kanilang Presidente at Chairman? Wala na siguro... Kaya kung ito ang kanilang pahayag, dapat siguro wag na natin pagdudahan, respetuhin natin ito.
At bakit naman hindi kapanipaniwala?... Kasi medyo matagal na ang lumipas mula sa umpisa ng mga pambabatikos kay coach Chot at hanggang sa punto ng pagpapahayag ni SBP President Al Panlilio.

Ang bilang ko hindi lang daan kundi libo-libo pa ang nagcomment ng mga negatibo laban kay coach Chot at laban sa SBP, kaya siguro hindi masyadong humupa ang "hating and bashing".
Ang haka-haka ko ay ang SBP, kahit hindi nila gusto ang nga pangyayari na natalo tayo sa SEAG at sa FIBA Windows, ang tingin ko ay iniintindi naman nila ito. Kaya naman hindi sila masyadong nagpapadala sa mga masamang komento ng netizens na may kasama pang pagmumura sa kanilang mga mensahe. Isa pa at napakaimportanteng bagay ang mga pinuno ng SBP ay muka namang mga disenteng tao at karapat dapat na bigyan natin ng respeto. Tingin ko matagal silang nagmuni-muni kung tatablahin at sasalubungin nila ang galit nating mga fans lalong lalo na ang mga mabababang panunumpa nating mga Pilipino.
Napaisip tuloy ako na balikan ang rebolusyon ni Bonifacio laban sa mga Kastila. Sa nabasa ko sa internet matapang at malakas ang loob ng ating bayani na si Andres Bonifacio. Kaya lang ang mga katangiang ito ay hindi pa sigurado kung mananalo siya sa digmaan, sa totoo lang, wala naman yatang napanalo si Bonifacio sa Filipino - Spanish war. Pero bayani padin natin siya... Kung wala nga lang sigurong taong nagngangalang Jose Rizal, ay siya siguro ang ating national hero.
Ang sukat naman kasi ng kabayanihan ay hindi palagaging pagwawagi lang sa digmaan o sa sports. Ang tunay na sukatan ng kabayanihan ay ang paglaban at ang pinaglalaban. Ang dapat itanong natin sa Gilas ay lumaban nga ba tayo ng todo? At ipinaglaban ba natin ang ating bandila at bansa?... Ang sagot diyan ay isang maaring Oo, nakita naman natin ang pagsusumikap ng mga bayani natin sa hardcourt. Kasama na diyan syempre ang coaching staff.
Ang kakulangan talaga natin ay ang hindi pagsali ng mas magagaling pa nating players na sabay na naglalaro pa noonsa PBA at sa ibang bansa.

Pwera sa mga pagmumura ng ating mga kasama, ang naiisip ko ay umubro naman ang pangbabatikos natin sa ating pambansang koponan. Kaya't nagusap-usap ang SBP at isiniwalat nila sa publiko ang kanilang plano sa pag improve ng laro ng Gilassa susunod na match-ups natin, kasama na dito ang UAAP, NCAA at PBA. Baka nga napaganda nga ang mga pagkatalo natin sa maraming games para magising tayo sa ting paghihimbing. Pareho ito ng nangyari sa USA team ng 1988 sa olympics yata na di man lang nakasama sila sa quarter finals. Kaya naman pag-dating ng 1992 ay gumawa ang U.S.A. ng Dream Team na halos pinanood na lamang ng nga katunggaling koponan ng USA team.

Ang akin lang lamang opinion, alisin na natin sa Pusong Pilipino ang mga masasakit na salita. Masarap din namang pumuna, lalong lalo na kung base sa katotohanan at kasaysayan.
Kaya goodluck Gilas Pilipinas! Nasa inyo parinang karamihan ng Pusong Pilipino!

05/08/2022

" PUSO NG BAYAN "

Matagal na akong nakikiramdam sa pulso ng "puso ng bayan" tungkol sa sitwasyon ng basketball sa Piliinas.

Ako ay dalawampu't apat (24) na taon na ngayon. Ako ay isang Basketball Skills Trainer. Nagumpisa akong mamulat sa mundo ng basketball sa murang edad hanggang sa maglaro bilang point guard sa isang division 3 na eskwelahan na may magandang programa sapagtuturo ng Organize Basketball or basketball na may systema. Mula pa noon ay tinitingala ko na ang mga manlalaro sa PBA, UAAP, NCAA at lalong lalo na sa pambansang koponan na Gilas Pilipinas.

Minsan ko ding pinangarap na makapaglaro sa pambansang koponan, ngunit napagisip isip ko na masyado akong maliit para dito, dagdag pa ang patuloy na pag angat ng lebel ng laro at pagsibol ng mga mas malalaki at potential na mga gwardiya. Kaya't minarapat ko na lamang na dito manatili, sa pagiging Basketball Skills Trainer.

Sampung taon ang nakalipas ng matunghayan ko ang laro ng Gilas Pilipinas kontra South Korea sa 2013 FIBA Qualifers kung saan nakamit ng pambansang koponan ang panalo at ito ang ating naging ticket upang makapaglaro sa 2014 FIBA World Cup sa Spain.

Mahilig ako sa Facebook at Google, mahilig din ako sa history, kaya inaral ko at natuklasan ko na bago mag 2010 ay walang wala tayong laban sa international basketball. Dati pala ang tawag sa nagtataguyod ng basketball sa bansa ay Basketball Association of the Philippines ( BAP ), kaya lang panay nakatulog tayo sa pansitan ng international basketball ng maraming dekada. Ang huli nating qualification sa world cup ay noong 1974 pa. Hindi ko na bibilangin ang 1978 World Cup dahil tayong Pilipinas ang host at qualified na tayo agad sa walong koponan na maglalaro. Sa madaling sabi ay pang walo tayo 1978 world cup sa maynila.
Doon sa Spain nabuo ang Gilas Pilipinas Basketball na " PUSO ", kaya ito ang titulo ng aking Page na "Pusong Pilipino".

Bilang isang coach nais kong isiwalat sa lahat ang kuro-kuro tungkol sa basketball ng Pilipinas. Sa nakaraan, kasalukuyan, at sa hinaharap.
Humihiling ako na maglahad kayo ng inyong mga kumento upang magkaroon tayo ng "Constructive Discussion" at matinong usapan. Ang aking hangarin ay makatulong sa pagunlad ay pagpanalo ng Pilipinas sa World Cup at Olympics sa larangan ng basketball. Hindi man ako makatulong sa pambansang koponan bilang manlalaro, ginagawa ko ito dahil ako isang Pilipino at mahal ko ang larong basketball.

Napansin ko na pagkatapos ng 2014 FIBAWorld Cup sa Espanya, nagtuloy tuloy na ang paglakas ng ating pambansang koponan. Marami na tayong mga matatangkad na manlalaro at nagpap**ita na ng buong suporta ang PBA o Philippine Basketball Association sa Gilas Pilipinas. Maganda sana itong pangitain ngunit ang buong Asia at buong mundo pala ay naglalakihan din ang mga manlalaro at naghahanda din ng husto kaya naman ang Samahang Basketbol ng Pilipinas - SBP na pumalit sa BAP ay naghahanap na ng mga pilipinong manlalaro na nakatira sa ibang bansa. Karamihan dito ay sa America at may "dual citizenship" ng Filipino-American. Sa kasamaang palad, ang "FIBA rules on eligibility" para sa mga dual citizens, ay naghahanap ng Philippine Passport bago dumating ang manlalaro ng (16 years old), kakaiba at unique na panuntunan ito sa larangan ng sports. Hindi ganito sa football, volleyball o sa boxing at sa iba pang sports. Pilipino na tayo sa pamantayan ng konstitusyon ng Pilipinas ay hindi padin tayo makakalaro sa international competition kung wala tayong passport sa edad na labing anim.

Napansin ko na habang tayo ay nananalo sa international games ay magaganda at mababangong salita ang makikita natin sa social media, at kung natatalo naman ang ating koponan ay hindi na masyadong maganda ang ating mga nagiging kumento tungkol sa ating mga manlalaro at coaching staffs. Natural lang kaya ito o isang itong aberasyon ng pilipino? Nangyayari din kaya ito sa ibang bansa? Maihahalintulad natin ang ating mga manlalaro sa mga sundalo na kapwa pinaglalaban ang karangalan ng Pilipinas. Sa isang kathang-isip na giyera na pinadala natin ang mga sundalong Pilipino upang ipagtanggol ang ating bansa, at kung mas malakas ang armas ng mga kalaban sa atin at tayo ay matalo, sisisihin ba natin ang ating mga sundalo at ang mga opisyal dahil dito? Diba ang isang Pilipino ang kagitingan ng ipinaglaban ng mga sundalo natin, kaya nga natin ipinagdiriwang ang "Fall of Bataan" kahit talo tayo ay taas noo nating binabantayog ang mga sundalong lumaban doon. Ang mga manlalaro ng Gilas Pilipinas ay ganun din, nang tayo nananalo sa mga laban lubos ang pagdiriwang natin dahil kahit mas malakas ang kalaban ay napuksa din natin sila gamit ang "PUSO".noong natalo ang Gilas sa SEAG sa Vietnam, nalungkot tayo dahil ngayon lang tayo nakatikim ng talo makalipas ang maraming dekada, nalungkot din tayo ng matalo ang mga Pilipino noong WWII sa Bataan, pero ibinagbunyi padin natin ang katapangan ng mga Pilipino. Sana ganoon din pag matatalo tayo sa basketball. Tignan natin ang ang katapangan at pagmamalasakit ng Pilipino Basketball Player na buong puso niyang pinagtatanggol ang karangalan natin, karangalan ko at karangalan mo na isang Pilipino.

Sana mag-comment kayo at sama sama nating talakayin ang puso ng manlalarong Pilipino at mas Importante at puso ng makabayang Pilipino.


Photo from: FIBA

Want your business to be the top-listed Gym/sports Facility in Quezon City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Quezon City