PTVSports Network

PTVSports Network PTV Sports Network

ADDITIONAL SILVER FOR TEAM PH! 🇵🇭🥈Isang araw bago ang opisyal na pagtatapos ng 20th Asian Games sa Japan, umangat sa ika...
03/10/2026

ADDITIONAL SILVER FOR TEAM PH! 🇵🇭🥈

Isang araw bago ang opisyal na pagtatapos ng 20th Asian Games sa Japan, umangat sa ika-17 pwesto ang Pilipinas sa medal tally ng kompetisyon as of 11:00 PM ngayong gabi, October 3.

Nagdagdag si Filipina jiu-jitsu standout Alexandria Enriquez ng isang silver medal dahilan upang umangat sa 29 na medalya ang hawak ng bansa na binubuo ng 4 gold, 9 silver, at 16 bronze medals.

Samantala, nanatali pa rin sa top three ng medal standings ang bansang China sa unang pwesto na may kabuuang 341 medalya, sinusundan ng Japan bitbit ang 269 medals, habang nasa ikatlong pwesto pa rin ang South Korea dala-dala ang 150 medalya.

📷 POC Media

Source: https://results.asiangames2026.org/ #/medals/standings





YAPE NAMED TEAM PH FLAG BEARER! 🇵🇭Pinangalang flag bearer ng Team Philippines para sa closing ceremony ng 2026 Asian Gam...
03/10/2026

YAPE NAMED TEAM PH FLAG BEARER! 🇵🇭

Pinangalang flag bearer ng Team Philippines para sa closing ceremony ng 2026 Asian Games si taekwondo gold medalist Jeus Gabriel Derick Yape ngayong Linggo.

Nag-uwi si Yape ng dalawang medalya sa Asiad gold sa mixed virtual taekwondo at bronze sa individual poomsae.

Bitbit ni Yape ang watawat ng Pilipinas sa huling seremonya ng 2026 Asian Games matapos ang matagumpay na kampanya sa kompetisyon.

📸 Roderick Yape | FB





SILVER FINISH FOR ENRIQUEZ! 🇵🇭🥈Naiuwi ni Filipina jiu-jitsu standout Alexandria Enriquez ang silver medal matapos ang im...
03/10/2026

SILVER FINISH FOR ENRIQUEZ! 🇵🇭🥈

Naiuwi ni Filipina jiu-jitsu standout Alexandria Enriquez ang silver medal matapos ang impresibong kampanya sa 2026 Asian Games sa Japan.

Nakapasok si Enriquez sa finals kung saan tinalo siya ni Orapa Senatham ng Thailand by advantage sa Women’s Jiu-Jitsu -63kg division dahilan upang makapag-ambag ng pilak na medalya sa medal haul ng bansa.

📷 POC Media





EXPLOSIVE BOUNCE BACK! 🏉🇵🇭Nanaig ang Philippine Volcanoes kontra Sri Lanka, 33-12 sa Men's Rugby 7s event ng 20th Asian ...
03/10/2026

EXPLOSIVE BOUNCE BACK! 🏉🇵🇭

Nanaig ang Philippine Volcanoes kontra Sri Lanka, 33-12 sa Men's Rugby 7s event ng 20th Asian Games sa Aichi-Nagoya Japan.

Dahil dito, uusad na ang Volcanoes sa 5th-6th classification match kontra Malaysia mamayang hapon.

📷 rugbyasia247/ IG




ONE LAST FIGHT FOR GOLD! 🇵🇭Isang panalo na lang ang kailangan ni Filipina jiu-jitsu standout Alexandria Enriquez upang m...
03/10/2026

ONE LAST FIGHT FOR GOLD! 🇵🇭

Isang panalo na lang ang kailangan ni Filipina jiu-jitsu standout Alexandria Enriquez upang maibulsa ang ika-limang gintong medalya ng bansa sa 2026 Asian Games sa Japan.

Nagwagi si Enriquez kontra Narankhishig Baasanjargal ng Mongolia sa women’s jiu-jitsu -63kg semifinals dahilan upang umabante sa finals ng kompetisyon kung saan makakalaban nito si Orapa Senatham ng Thailand.

📷 POC Media





MEDAL HAUL FOR TEAM PH! 🇵🇭Muling nadagdagan ang bilang ng mga medalya ng Pilipinas sa nagpapatuloy na 20th Asian Games s...
02/10/2026

MEDAL HAUL FOR TEAM PH! 🇵🇭

Muling nadagdagan ang bilang ng mga medalya ng Pilipinas sa nagpapatuloy na 20th Asian Games sa Aichi-Nagoya, Japan, kung saan kasalukuyang nasa ika-18 puwesto ang bansa na may 28 medalya: 4 gold, 8 silver, at 16 bronze medals, as of 11:22 PM, October 2.

Nakapag-ambag ng gold medal si Jeus Gabriel Derick Yape sa mixed individual virtual taekwondo. Samantala, nag-uwi ng silver medals sina Carlo Paalam sa men’s 55kg boxing, Tachiana Mangin sa women’s -49kg taekwondo, at Kurt Bryan Barbosa sa men’s -58kg taekwondo.

Nagdagdag naman ng bronze medals sina Kaila Napolis sa women’s -52kg jiu-jitsu at ang Khylem Progella at Sofiah Pagara sa women’s beach volleyball. Sa kabuuan, anim na medalya ang nadagdag sa kampanya ng Team Philippines ngayong araw.

Samantala, nangunguna pa rin sa medal tally ang China na may 316 medalya, sinusundan ng host country Japan na may 240, habang nasa ikatlong puwesto ang South Korea na may 134 medalya.

📷 POC Media





TACHIANA MANGIN WINS SILVER! 🥈🇵🇭 Nakuha ni Tachiana Mangin ang silver medal sa Taekwondo Women’s -49kg matapos matalo ka...
02/10/2026

TACHIANA MANGIN WINS SILVER! 🥈🇵🇭

Nakuha ni Tachiana Mangin ang silver medal sa Taekwondo Women’s -49kg matapos matalo kay Jingyue Ma ng China sa gold medal match ng 20th Asian Games Aichi-Nagoya 2026.

📸 POC Media





BARBOSA GOT SILVER! 🇵🇭🥈Nagdagdag ng panibagong medalya para sa Team Philippines si Kurt Bryan Barbosa matapos masungkit ...
02/10/2026

BARBOSA GOT SILVER! 🇵🇭🥈

Nagdagdag ng panibagong medalya para sa Team Philippines si Kurt Bryan Barbosa matapos masungkit ang silver medal sa Men’s -58kg Taekwondo sa 2026 Asian Games sa Aichi-Nagoya, Japan.

Sa finals, hinarap ni Barbosa si Tleules Tamirlan ng Kazakhstan ngunit nabigo itong makuha ang gold medal matapos ang kanilang laban.

Sa kabila nito, nakapag-uwi si Barbosa ng pilak at muling nagdagdag sa medal haul ng Team Philippines.

📸 Kurt Barbosa | FB





02/10/2026

"TIIS-TIIS LANG, BAKA SA SUSUNOD MAKUHA PA NATIN 'YUNG [GOLD] MEDAL" "

Nagpahayag ng saloobin si Olympic boxer Carlo Paalam matapos makuha ang silver medal sa Men's Boxing 55kg division ng 20th Asian Games sa Japan.

Para kay Paalam, bagama't masaya siyang nakakuha ng pilak na medalya, hindi pa rin niyang maiwasang madismaya sa resulta ng kanyang laban lalo't ramdam niyang tila nakapabor umano ang referee sa host nation Japan sa kabila ng mga paghahandang kanyang ginawa.

Sa kabila nito, umaasa naman siyang magiging motibasyon niya ang karanasang ito upang mas maabot ang ginto sa mga susunod niyang laban.

Courtesy: POC Media





02/10/2026

PANOORIN:

Nagbigay ng pahayag si ABAP President Marcus Manalo hinggil sa pagkamit ni Carlo Paalam ng silver medal sa Men’s Boxing -65kg division sa 20th Asian Games sa Aichi-Nagoya, Japan.

Ayon kay Manalo, ginawa naman ng koponan ang kanilang makakaya para makuha ang gintong medalya, ngunit may ilang factor na naging basehan sa naging desisyon ng mga hurado.

Humingi rin ng paumanhin si Manalo sa mga Pilipino dahil hindi nila nakamit ang target na gold medalat pinasalamatan ang lahat ng patuloy na sumusuporta kay Paalam at sa Philippine boxing team.

📸 POC Media





Address

1 Visayas Avenue, Diliman, Metro Manila
Quezon City
1128

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PTVSports Network posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category