Point Blank - Phalanx Clan Philippines

Call Directions Website

Point Blank - Phalanx Clan Philippines Phalanx is one of the top clans in the Point Blank Southeast Asia Server and fictional law enforcement roleplay (RP) community created.

We are not affiliated with endorsed by any government agencies.

🇹🇭 | 🇵🇭 | 🇱🇦

4 years ago
06/10/2026

4 years ago

Marami ang nagtatanong sa amin kung bakit bigla kaming nawala sa Phalanx Clan at kung ano talaga ang naging dahilan ng a...
02/10/2026

Marami ang nagtatanong sa amin kung bakit bigla kaming nawala sa Phalanx Clan at kung ano talaga ang naging dahilan ng aming pag-alis. Kaya nais naming ikuwento nang maayos kung ano ang nangyari mula sa simula hanggang sa naging desisyon naming tuluyang umalis.

Noong September 15, 2026, nagbigay ng statement ang founder ng Metropolitan Tactical Esports Command (MTEC) na si Pres. Michael Dimaculangan na idi-disband na ang Phalanx Clan pagsapit ng October 1, 2026.

Hindi ito agad sinang-ayunan ng mga General at officials ng Phalanx. Marami ang nagtanong kung bakit kailangang i-disband ang clan, lalo na't napakarami nang oras, pera, at effort ang nailaan dito ng mga dating lider at miyembro.

Ayon kay Pres. Dimaculangan, kailangan umano niya ng dagdag na puhunan para sa kanyang negosyo kaya nais niyang ibenta ang Phalanx Clan. Ngunit hindi ito naging katanggap-tanggap sa ilang General at officials.

Isa sa mga nagpahayag ng pagtutol ay ang 8th Clan Master & Superintendent na si Major General Remy S. Macaspac (PHzGenKaringal). Ipinaalala niya na malaki na ang naging gastos ng dating Clan Master na si Lt. Gen. Joshua Reanzares (PHzEthereal), kasama si Yenz Hershey (NinjaTheWarrior) at marami pang ibang miyembro, para lamang mapanatili at mapalago ang clan.

Makalipas ang tatlong araw, nagkaroon muli ng panibagong pahayag. Sinabi ni Pres. Dimaculangan na hindi na aalisin ang ibang miyembro at hindi na tuluyang idi-disband ang buong clan. Gayunpaman, ipagpapatuloy umano ang pagtanggal sa mga miyembrong walang record, walang change name, mababa ang rank, o hindi gaanong aktibo at kilala sa loob ng clan.

Sa puntong iyon, inakala ng ilan na tapos na ang problema at magiging maayos na ang sitwasyon.

Pero hindi pa pala doon nagtapos ang lahat.

SEPTEMBER 24, 2026

Noong September 24, 2026, muling nagbago ang desisyon ni Pres. Dimaculangan. Muli niyang iniutos ang pag-alis at tuluyang paglisan sa Phalanx Clan.

Muli na namang nagtanong ang mga General at officials kung bakit biglang nagbago ang desisyon. Dahil sa sunod-sunod na pagbabago ng desisyon, naging magulo ang sitwasyon sa loob ng clan.

Sa gitna ng lahat ng ito, nawala sa kanyang posisyon si Gen. Remy S. Macaspac dahil sa biglaang pagbabago ng desisyon.

Dahil dito, humingi ng tulong ang mga General at staff sa dating Clan Master na si Joshua Reanzares (PHzEthereal). Nakipag-ugnayan sa kanya si Gen. Macaspac at nakiusap na kung maaari ay siya na ang makipag-usap kay Pres. Dimaculangan kasama ang ibang staff upang subukang ayusin ang problema.

Nakipag-usap si Gen. Reanzares kay Pres. Dimaculangan at hiniling na huwag nang i-disband ang Phalanx. Sinabi rin niya na siya na lamang ang bibili ng clan upang hindi tuluyang mawala ang pinaghirapan ng mga dating miyembro at lider.

Nagbigay naman si Pres. Dimaculangan ng halagang ₱1,700, ngunit kailangan itong mabayaran nang buo bago o hanggang October 1, 2026.

Dito naman nagkaroon ng panibagong problema dahil hindi sapat ang budget ni Gen. Reanzares at ng iba pang staff para agad na maibigay ang buong halaga.

Nakipag-usap din si Yenz Hershey (NinjaTheWarrior) kay Gen. Reanzares at nag-alok na siya na lamang ang bibili ng clan, at maaari na lamang siyang bayaran ni Reanzares sa oras na magkaroon na ito ng sapat na pera.

Gayunpaman, nagkaroon pa rin ng pag-aalinlangan sa naging arrangement, kaya hindi na rin nagkaroon ng malinaw na kasunduan na maaaring makapagpatuloy sa Phalanx Clan.

Hindi rin pumayag si Dimaculangan sa sinabi ni Reanzares na ipasa muna sa ibang account 'yung Clan Master ng Phalanx bago magbayad ng P1,700

Umabot rin sa punto na pati ang company na MTEC ibebenta rin sa kaniya kasama ang Phalanx sa halagang P3,000, pero ni-reject nina Reanzares at Yenz ang offer.

SA BANDANG HULI

Sa lahat ng nangyari, napagtanto ng ibang staff at General na lalo lamang hahaba ang problema kung patuloy silang makikipagtalo at susubukang labanan ang bawat bagong desisyon.

Hindi naging madali ang naging desisyon.

Maraming taon, oras, pera, effort, at pagkakaibigan ang nabuo sa loob ng Phalanx Clan. Kaya para sa amin, hindi lamang simpleng pag-alis sa isang clan ang nangyari.

Sa bandang huli, pinili na lamang naming umalis kaysa patuloy na makipagtalo.

Hindi dahil wala kaming pakialam sa Phalanx.

Hindi dahil kinakalimutan namin ang mga taong nakasama namin.

At lalong hindi dahil basta na lamang namin gustong iwan ang lahat.

Minsan, may mga bagay na kahit gaano mo kagustong ipaglaban, darating ang punto na kailangan mo ring tanggapin ang sitwasyon at piliing umalis nang maayos.

Ito ang dahilan kung bakit kami nawala sa Phalanx Clan.

Hindi namin layunin na manira o sisihin ang sinuman. Ikinukuwento lamang namin ang mga pangyayaring naging dahilan ng aming desisyon, upang malinaw sa mga nagtatanong kung bakit bigla kaming nawala.

Sa huli, ang respeto sa isa't isa at ang mga alaala ng mga taong nakasama namin ang mas mahalaga kaysa sa anumang clan name o position.

SAMURAIWARRIOR CLAN GETS NEW CLAN MASTERLTGEN Joshua V. Reanzares (PHzEthereal), former Clan Master & Superintendent Pha...
01/10/2026

SAMURAIWARRIOR CLAN GETS NEW CLAN MASTER

LTGEN Joshua V. Reanzares (PHzEthereal), former Clan Master & Superintendent Phalanx & WPD, has been officially appointed as the new Clan Master and Superintendent of SamuraiWarrior Clan today. Recall that they left Phalanx Clan, owned by Metropolitan Tactical Esports Command (MTEC), reportedly due to conflicts.

Yenz Hershey, Deputy Director and Owner of God of Warriors, decided to appoint Reanzares as Clan Master of SamuraiWarrior, which he immediately accepted in his new position.

To all troops and allies of Phalanx,We would like to inform everyone that the PHALANX CLAN has officially DISBANDED yest...
28/09/2026

To all troops and allies of Phalanx,

We would like to inform everyone that the PHALANX CLAN has officially DISBANDED yesterday, September 28, 2026 - 10:00 AM.

Accordingly, all clan members have been removed and the clan has been returned to the real owner of the organization.

All former members of Phalanx will now transfer to our new clan SAMURAIWARRIOR CLAN - RECON BATTALION

The clan will still be led by our former Clan Master of Phalanx, MGEN Joshua Villalva Reanzares (PHzEthereal) under the ownership of Yenz Hershey (NinjaTheWarrior)

As of now, the officers are still fixing up the SamuraiWarrior Clan. Once everything is settled, we will re-open recruitment for new members.

Just stay tuned on our new page for the next updates.

Thank you for your understanding and for your continued support!

🎉 Happy Birthday, LTCOL Princess Dimple Germano (PHzMsCessiee)! 🎂💖Wishing you a wonderful birthday filled with happiness...
06/09/2026

🎉 Happy Birthday, LTCOL Princess Dimple Germano (PHzMsCessiee)! 🎂💖
Wishing you a wonderful birthday filled with happiness, good health, success, and countless blessings. May all your dreams and wishes come true, and may this new chapter of your life bring you even more beautiful memories. ✨

From all of us at Point Blank – Phalanx Clan Philippines, Happy Birthday! 🥳🎂🎉

🎉 HAPPY BIRTHDAY CLAN MASTER, MGEN REMY S. MACASPAC JR. (PHzGenKaringal)! 🎂Mula sa buong Point Blank - Phalanx Clan Phil...
06/09/2026

🎉 HAPPY BIRTHDAY CLAN MASTER, MGEN REMY S. MACASPAC JR. (PHzGenKaringal)! 🎂

Mula sa buong Point Blank - Phalanx Clan Philippines, malugod naming ipinapaabot ang aming taos-pusong pagbati sa inyong kaarawan! 🥳🎖️
Nawa’y maging puno ng kaligayahan, tagumpay, magandang kalusugan, at mga bagong biyaya ang inyong panibagong taon. Patuloy ka sana maging inspirasyon sa mga kasamahan at maging matatag na bahagi ng ating clan community.
Maraming salamat sa inyong dedikasyon, suporta, at pamumuno para sa Point Blank - Phalanx Clan Philippines. 🤝🇵🇭

Muli, Happy Birthday, MGEN REMY S. MACASPAC JR. (PHzGenKaringal)! 🎂🥂
May this new chapter bring you closer to your dreams and greater achievements.

— Point Blank - Phalanx Clan Philippines Family

24/08/2026

Address

8 King Alexis Street, Kingspoint, Novaliches
Quezon City
BASECAMPGENERALENRIQUEV.TAMAYO

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Point Blank - Phalanx Clan Philippines posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category

Nearby gyms & sports facilities