- Obra,Panulat@Musika creator will always say:
" Sa plano ng Diyos ako lubos na magtitiwala
at hindi sa aking kakayahan na ang Panginoon ang nagbigay bilang biyaya
Aanhin mo ang yaman ng mundo kung wala sa buhay po ang Panginoong Hesus Kristo"
Isaiah 60: 22 When the time is right, I the LORD will make it happen
EPH 2:8-9 saved by grace through FAITH
Simpleng Kompositor
OPM - Obra, Panulat@Musika creator, Song writer - lyrics with rhyme, poem and quotes writer.
- Obra,Panulat@Musika creator share observation :
Bakit kaya?
Bakit ganun?
Asan kaya?
Paano nga ba?
Maraming katanungan ang ating kaisipan
Ngunit mas madalas napupunta lamang sa kalituhan
Dahil kulang sa pananampalataya sa Panginoon
Ayun wala ng napag tagumpayan na hamon
BAKIT KAYA? - - hindi mo ba batid ang kapangyarihan ng Panginoon
Mula sa pagkalikha ng daigdig ganun din sa panahon
Bawat simula ay may katapusan
Alamin mo kaibigan ang biyayang buhay na walang hanggan ( EPH 2:8-9)
BAKIT GANUN? Puro problema at pasakit
Pati sa Diyos meron kang hinanakit
Hindi na ba titigil itong kabiguan
Kaya mas pinili mong mabuhay sa kasalanan
ASAN KAYA? Hinahanap mo ang pag-asa
Ikaw ay natubos na sa kasalanan nagawa
Manalig ka at sa Panginoon ay magtiwala
Walang imposible sa Diyos na dakila
PAANO Nga Ba? Ako magsisimula
Manalangin ng taimtim at Kilalanin ang Panginoon na tagapagligtas
Upang ang kapayapaan ay tiyak na mararanas
Mag puri at magpasalamat sa Diyos na dakila
Isaiah 60: 22 When the time is right, I the LORD will make it happen
- Obra, Panulat creator share wisdom talata through
Sa Piling MO ( Diyos)
Simplengkompositor:Josef Kristian Bautista
Minsan sa buhay natin may oras na maraming katanungan
Bakit ba ganito ang nangyayari ? Pwede bang di ganyan
Mas madalas karamihan ay pinanghihinaan
Heto ang masakit mababalitaan mong susuko na lamang
Saan nga ba dapat kumuha ng lakas?
Kahit na alam na ang mundo ay puno ng dahas
Maraming nagkalat pang mga ahas
Manatiling lumalaban at huwag mong isiping tumakas
Pwede mong sabihin madali lang bigkasin
Ngunit ito ay nangangailangan ng dasal na taimtim
Ang kalakasan ay galing sa Panginoon
Siyang iyong gabay mula noon hanggang ngayon
Unang hakbang ay ang pagtanggap
Bilang ang Panginoon Hesus Kristo ay tagapagligtas
Mula sa nakaraang panahon hanggang sa hinaharap
SIYA ay naging matuwid , tapat sa pangako at patas
Sa Piling MO Panginoon ako'y walang pangamba
Hindi ang salapi, kapangyarihan o kahit katanyagan ang aking sasandalan
Dahil kapag humantong ka sa iyong kamatayan
Ngingiti ka lang at magwiwika baon ko ang buhay na walang hanggan
Obra, Panulat @ Musika creator
Josef Kristian Bautista
Have a bless day sa lahat
- Obra,Panulat@Musika creator share wisdom talata:
Panibagong Simula
OPM creator:Josef Kristian Bautista
Maraming pangyayari sa ating buhay ang minsa'y hindi maunawaan
Bakit laging ganito o bakit laging ganyan
Pighati at pasakit na tila walang katapusan
Sarili'y tinatanong meron pa ba itong hangganan
Maaaring sa iilan mas pinili manatili sa kadiliman
Sasabihin pa sayo : OK lang ako masaya naman
Kapangyarihan, Katanyagan at Kayamanan
Kapalit ang pananampalataya para sa Diyos na makapangyarihan
Hindi pa huli para matutunan
Ang tunay na ibig sabihin ng KALIGTASAN
(EPH 2:8-9 - saved by grace through FAITH)
Hindi pa huli upang malaman
Ang ating Panginoon ay hindi ka pinabayaan kailanman
Maniwala at Magtiwala sa Plano ng Diyos
(Isaiah 60:22 - When the time is right, I the LORD will make it happen)
Tiyak na ang landas mo ay maaayos
Ang tagumpay ay hindi matatapos
Dahil kasama mo ang Panginoon na mahal ka ng lubos
God bless sa lahat
Pagpupuri ng walang hanggan para sa Panginoong makapangyarihan
- Obra,Panulat@Musika creator once said:
"Ang huwad na pananampalataya ay may inggit at takot
Lahat ng yaman at kapangyarihan ng mundo ay nais mahakot
Hindi mo mararamdaman ang tunay na kapayapaan
Kung walang pag-ibig sa Panginoong Hesus Kristo at hindi alintana ang kahulugan ng biyayang "
EPH 2:8-9 through FAITH
God bless sa lahat
25/12/2024
- Obra,Panulat@Musika creator share wisdom talata 12/25/2024
Ang Tunay na Pag-ibig
OPM creator: Josef Kristian Bautista
Karamihan sa atin ay maraming katanungan
Ano nga ba ang pakiramdam ng tunay na pagmamahal?
Hindi batid ang tunay na kasiyahan
Bakit ang pighati at sakit ay hindi matanggal?
Kulang sa pang-unawa at pananampalataya
Sa ating Diyos Amang na SIYANG lumikha
Sa pag - ibig ng Panginoon ay may tanikala
Yaman at kapangyarihan ng mundo ang siyang tinitingala
Ang tunay na Pag-ibig ay marunong umunawa
Hindi pang sariling hangarin lamang ang siyang ginagawa
Ang tunay na Pag-ibig hatid ay kapayapaan
Sa isip, sa puso at salita may dulot na kaginhawaan
Maniwala at magtiwala sa plano ng Panginoon ( Isaiah 60:22)
Walang hindi kakayanin na mga hamon
Buhay na walang hanggan handog na biyaya ( EPH 2:8-9)
KALIGTASAAN na nakamit huwag mo sanang iwawaglit
God bless sa lahat
Maligayang Pasko sa lahat
- Obra,Panulat@Musika creator will always say :
" Hindi yaman at kapangyarihan ng mundo ang bubuo sa aking pagkatao
Kundi ang aking pananampalataya sa Panginoong Hesus Kristo
Ang tunay na kahulugan ng KALIGTASAN
Ito ang pagtanggap sa sakripisyo ng Banal na dugo ng Panginoon upang tumubos ng kasalanan ng sanlibutan"
Manalangin ng taimtim
Pagmamahal ng Panginoon ay damhin
Walang imposible sa Panginoon para sa taong nananampalataya
Makakamit ang tagumpay at kapayapaan ng malaya
29/10/2024
Shout out to my newest followers! Excited to have you onboard! Michelle Gonzales, Sherwin Bildosola thank you God bless
God bless sa lahat
- - Obra,Panulat@Musika creator will always say this:
" Una ang Diyos sa lahat bago ka kumilos at magbuhat
Bubuhatin ang kinabukasan kasama ang Panginoon magpakailanman
Hindi ko mararating ang hangganan ng tagumpay
kung pansy reklamo at mukmok ka sa buhay
Mag dasal ng taimtim hingin ang KANYANG gabay
PANGINOON na naging tapat sa lahat ng pangako pati ang walang hanggang buhay
through
"Do not let your Failures defined who you are instead let that Failures teach you"
Note: get the lessons from every problems you will encounter and with your in God pray LORD ano po ang nais niyong ituro sa buhay, pray for wisdom to understand the situation
Remember kasama mo ang Panginoon
28/10/2023
- Obra , Panulat @ Musika creator once said
" Bakit ako mangangamba kung kasama ko sa buhay ang Panginoon sa tuwi tuwina,
Bakit ako matatakot sa kamatayan kung sa pagtanggap ko Panginoon ay may biyayang buhay na walang hanggan,
Bakit ako maiingit sa kayamanan , kapangyarihan at katanyagan ng iba kung nagmeron man sila nito pero wala sa puso ang Panginoon Hesus Kristo"
through
God bless sa lahat
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Website
Address
Brgy. Silangan
Rizal
1850