04/12/2023
MGA KABATAAN NG BRGY. SAN JOSE, HANDA NA BA ANG LAHAT PARA SA DARATING NA MAYOR'S CUP?
Halina at mag Try out sa darating na ika-8 ng Disyembre taong kasalukuyan sa ganap na ika 9:00 ng umaga sa ating Covered Court ng Barangay. Magsuot ng angkop na kasuotan sa larangan ng basketball at makiisa sa nasabing Try-out!
Tara na Kabataang San Joseño, ipakita nyo na kung sino kayo!❤️🔥💯
CAPTION BY: TAMS
PUBMATS BY: KIROY
LOGO BY: CHRISTIAN KENN
02/12/2023
Let's show our full support to our newly elected SK Officials ❤️🔥
26/10/2023
"SANDIGAN NG KABATAAN, TAPAT AT LAGING MAASAHAN."
SK CHAIRMAN: JOHN REI "KIROY" SAYAS
SK COUNCILORS:
ZOREN SAEZ
JAYSON "MAJIMBO" VALENCIA
ERWIN "POPO" LOGATOC
CRIZIA MAE "MASYANG" LAZARO
DARLENE PEARL SAAVEDRA
KAMI ANG KASANGGA NYO SA PAGSULONG!🙌🤘
18/10/2023
KAMI ANG "KASANGGA NYO SA PAGSULONG"
Ika nga sa kasabihan "WITH GREAT POWER COMES GREAT RESPONSIBILITY." Kami ang mga kabataang handang harapin ang hamon ng lipunan; kabataang handang manilbihan para sa ikakaunlad ng bayan.
Kung hindi ngayon, kailan?
Kung hindi dito, saan?
SILA NA NGA BA ANG MGA KABATAANG HINAHANAP NG BAYAN?
18/10/2023
SANDIGAN NG KABATAAN, TAPAT AT LAGING MAASAHAN
Boses namin ay boses din ng bawat kabataan, ipaglalaban ang karapatan ng bawat mamamayan!
"Never doubt that a small group of thoughtful, committed citizens can change the world; indeed, it's the only thing that ever has." ~ Margaret Mead
07/10/2023
Magandang gabi mga KASANGGA!🫶
Binabati namin ang mga kinatawan ng aming mahal na barangay SAN JOSE. ang tatag, dedikasyon, at pagpupursige ay talaga namang pinamalas ng ating kandidato at kandidata sa entablado ng ROSARIO. Hindi matatawaran ang talento at aking ganda't talino, sinubukang masungkit ang koronang inaasam-asam; ngunit di man naiuwi ang titulo ang SAN JOSEÑO ay proud na proud sa inyo! Congratulations everyone!🫶💜
Binibini/Mutya ng San Jose: Jenalyn Mercado
Ginoo ng San Jose/Rosario 4th runner up: Kim Alexis Ramos Manalo
PROUD NA PROUD ANG BAWAT SAN JOSEÑO!!
THANKS FOR RAISING OUR PRIDE!💜
27/08/2023
Magandang hapon mga KASANGGA!🤘
Unang-una sa lahat ang TEAM KASANGGA ay lubos na nagpapasalamat sa ating Panginoon dahil hindi niya tayo pinabayaan sa ating isinagawang programa para sa kabataan ng SAN JOSE, nagpapasalamat din po kami sa lahat ng dumalo, naki-isa, at sumama sa matagumpay naming programa at aasahan pa po namin ang inyong pagsama sa mga proyekto na nais pa naming ihain sa inyong lahat.
Binabati ko ang lahat ng siksik, liglig at umaapaw na CONGRATULATIONS; ika nga ay "kapag may tyaga, may nilaga" at talaga namang pinanindigan at dinepensahan ng bawat kupunan ang kani-kanilang pangalan, nakipagpaligsahan para patunayan na sila ay karapat-dapat na hiranging VOLLEYBALL LEAGUE 2023 CHAMPIONS.
Nagwakas na ang pag- SPIKE ng bawat KASANGGA, ngunit naghihintay pa din ang bola sa pagbabalik nila.💜🤘