06/04/2025
Nung epa dahil keng pa Ayuda ekepa mikit ikit. 😂😂
TheGoodLife
06/04/2025
Nung epa dahil keng pa Ayuda ekepa mikit ikit. 😂😂
30/03/2025
Dati,kulang sa pera, di makaalis at gala ngayong meron na, oras naman ang wala nauubos nasa reponsibilidad at problema. Nakakamiss kayo mga tropa! Sana nasa mabuti kayong kalagayan.
Ano kaya pinapanood? 😂
05/11/2024
Lilipas ang panahon pero ang pinagsamahan hindi.
04/11/2024
Darating ang panahon na magiging kwento na lang ang samahan natin, kaya gandahan natin ang istorya ng samahang binubuo natin. Masakit isipin pero hindi na natin maiitatanggi na tumatanda na tayo. Tumatanda na ang dating mga batang ngayo’y batikan na at abala na sa kanya-kanyang mga obligasyon at kailangan ng harapin ang tunay na laro ng buhay. Maaring hindi na tayo malimit magkasama-sama at magkita-kita dahil sa mga trabaho at ang iba ay nasa malayo na, pero alam natin sa puso at isip natin na kahit nag-iba na hindi mabubuwag ang samahang nabuo na kung tawagin ay TUNAY NA TROPA.
Cheers para sa lahat ng samahang kahit hindi na malimit magkasama-sama nanatiling tunay sa bawat isa!
14/09/2024
May mga kaibigan akong hindi ko na madalas makausap, wala narin akong ideya sa pinagdadaanan nilang hirap. Ganito pala kapag tumatanda na't namulat na sa reyalidad ng totoong buhay. May mga kaniya-kaniya ng hinaharap na laban. Ang dating masayang inuman at tambayan sa kanto unti-unting nababalot na nang katahimikan subalit hindi ako nakalimot, alam kong katulad ko abala rin sila at nagsusumikap. Maraming nagbago masyado ng abala para sa'tin ang mundo,
Sa mga panahong wala na tayong balita sa isa't isa. Tahimik kong pinapanalangin na sana ay nasa maayos kayong kalagayan, kaibigan ko. ❤️
10/09/2024
Nakakamiss din minsan yung mga kaibigan na dati kasama natin sa Kwentuhan, tawanan, kulitan at walwalan na parang wala ng bukas.
Walang iniisip kundi pano magpapaalam sa magulang, mga alibi na scripted kasabwat mga tropa pag hinanap na ng tatay/nanay/jowa
Mapapangiti ka talaga tuwing naalala mo. Isang bagay na nagpabuo ng pagkatao mo, mga kaibigan na pwede mong iyakan habang tinatawanan ka habang pinapatagay hahaha.
Kamusta kaibigan? Binago man tayo ng mga kanya kanyang responsibilidad, Masaya ako naging parte kayo ng buhay ko.
❤️
Yung tropa mong lasinggero na mahilig sa KPOP 😂
Kalasing,kalasing,kalasing wag niyo naman kami binibitin 😂
12/07/2024
Habang tumatanda tayo dami nating realizations sa buhay. Hindi na nagkakasundo mga schedules natin. Yung iba nasa malayo na, halos di na makumpleto ang tropa. May mga kanya-kanya ng priorities sa buhay kaya halos di na nagkikita.
Kaya pag minsan mag-aya mga kaibigan, pagbigyan natin kasi minsan lang tayo magkita-kita. Sulitin na natin lahat ng kwentuhan, gala, tawanan at ang bawat oras na magkakasama. 💯
22/06/2024
Sabado na ano na? 😂
04/05/2024
Familar? If you know what I mean HAHAHA.😂