Nuvista Basketball Club Page

Nuvista Basketball Club Page

Share

Tag mo kung kilala mo

Photos from Nuvista Basketball Club Page's post 14/07/2024

Your Nuvista Basketball Club Season 3 40 Ups Division World Champions! TEAM D!

KENT "Black SuperMan" MIRANDA
PRES "The Gentle Bully" LEONARDO
JOBERT "PIYESTA NG" SAN JUAN
LLOYD "KELOIDS" CANDAWAS
ALBERTO "MAYOR ARTHUR" ROBES
HENRY "SHOT GUN" BARTOLATA
JOHNNY "YES PAPA" TERCERO
MICHAEL "LEE LING SY" CALANGIAN
ACIONG "THE NEWEST BORN" FELIZARDO
SYRON "THE NEW BORN" YOUNG
LEONARD "HEART HEART" LABRADOR
JOHN PAUL "THE JAW" PANGAN
DANILO "THE TRIGGERMAN" JALOTJOT
RENANTE "MR. BRAVO" BIALEN
RODEL "BANNED" UMALI
ALFRED "HINDI NAGLABA" FUELLAS

14/07/2024

Your Nuvista Basketball Club Season 3 39 Down Division World Champions! TEAM A!!

CHRISTIAN "THE ABBA" CADA
JOMAR "ANG MATA" MALIC
KERWIN "QUICKIE SHOT" BERNAL
JADEL "CJ" MASIRAG
ALDREX "ELITE SKIN NI BALMOND" SAAVEDRA
MARK "CROSSED TONGUE" DELA CRUZ
THOPAK "THE PUNCHER" RIO
ERMARC "KAGAT LABI" BALTAZAR
NARUTO
PAUL "POL" BENJAMIN
YOR "CAS" CASIRO
MARK JOEL "THE DESTROYER" MASIRAG
JEAN "THE BALD LIZARD" PATANGUI

Photos from Nuvista Basketball Club Page's post 13/07/2024

Your Nuvista Basketball Club Season 3 Mythical 5s

39 DOWN DIVISION:
- Jordan "Captain Hook" Tabinas
- Mav "The Boom" Villa
- Jaythan "Mr. Uy!" Alaba
- Aldrex "Elite Skin ni Balmond" Saavedra
- Jadel "CJ" Masirag

40 UPS DIVISION
- Roy "Pastor QuibuRoy" Rodjel
- Jerry "Chinese Taiwanese" Suhillo
- Toti "Antoti Edwards" Pascua (tinalo si Arvie Maglucky ng 1 vote)
- John Paul "The Jaw" Pangan
- In̈igo "Baby Face Assasin" Cerden̈a

Photos from Nuvista Basketball Club Page's post 13/07/2024

Your Nuvista Basketball Club Season 3 MVPs

39 DOWN DIVISION:
Finals MVP: Ermarc "Kagat Labi" Baltazar
Season MVP: Jomar "Ang Mata" Malic (represented by Jadel "CJ" Masirag)

40 UPS DIVISION:
Finals MVP: Mark "Heart Heart" Labrador
Season MVP: Kent "Black SuperMan" Miranda

08/06/2024

Ganito dapat. Respeto sa laro.

Respeto sa Larong Basketball: "Pag hindi na aabot ang block, iwasan na ang may mapahamak. Ibigay mo na ang tira; nasa titira na yun kung mashu-shoot o hindi. Ang mahalaga sabay pa rin kayong tatakbo pabalik - siya sa depensa, ikaw naman sa opensa. Respeto lang mga ka-bola..."

08/05/2024

Ano Nuggets nyo na? O hindi pa? Bahala kayo jan🙄

08/05/2024

Sa mga members ng Nuvista Basketball Club, watch this video at nawa'y may makuha tayong lesson at katatawanan 🤣

Photos from Nuvista Basketball Club Page's post 05/05/2024

Nuvista Basketball Club SEASON 3 40UPS DIVISION

Kuya Roy May Protesta sa Default Time
TEAM C TINAKASAN ANG TEAM A, 85-83

Kasabay ng pagbida ng magandang official new red jersey ng Nuvista Basketball Club, tinakasan ng Team C ang minamalas na Team A upang sungkitin ang kanilang ikalawang sunod na panalo sa pagpapatuloy ng Nuvista Basketball Club Season 3 40 Ups Division na ginanap sa Iona Basketball Court.

Non-stop na salaksak sa loob ang ginawa ni versatile forward/Center Jerry "The Taiwanese" Suhillo na humataw ng game high 33pts at 11rebs para sa Team C upang tanghaling Best Player of the Game. Solidong suporta rin ang ibinigay ni papawis senior veteran Abijah "Boss Nipa" Meshullemeth na may 11pts at shooters William "Chewy" Chua at Jeffrey "The Bread Master" Manalang na may tig-10 puntos.

Pinangunahan naman ni forward Andrew "Marmol" Calumba ang Team A matapos kumana ng 22pts at 8rebs na sinuportahan ni point forward Toti "Sweet Potato" Pascua na may 19pts at 4asts at Manuel "Brown Chinito" Matrimonio na may 14pts at 6rebs subalit hindi ito sapat para pigilan ang paglubog ng Team A sa 0-3 kartada.

Maganda ang pasimula ng Team A matapos ang jumper ni papawis master Roy "The Violent Shooter" Rodjel at inside offense ni Calumba para sa 25-15 abante sa unang quarter. Subalit nagshift ang momentum sa 2nd quarter nang magsimulang magdomina si Suhillo para sa 9-0 run. Tuluyan nang kinuha ng Team C ang abante matapos ang set shot ni Junlhey "John Wick ng Nuvista" Bermoy subalit nakapuntos pa si Leonard "Kaway" Espeleta para isara ang manipis na 38-37 abante para sa Team A.

Pukpukan pa ang naging laban sa 3rd quarter nang magpalitan ng puntos ang bawat koponan. Bagamat nakailang open shots, bigong maka-convert si Rodjel para sa Team A habang ang matinding hustle naman ni Rommel "The Caramel" Lopez ang naging sandigan ng Team C para tumabla sa 59 papasok ng huling quarter.

Maganda ang ex*****on ng Team A sa pasimula ng huling quarter gamit ang offensive firepower nina Calumba at Pascua subalit inangkin ni Suhillo ang quarter nanh magtumpok ng personal best na 17pts. Tuluyan nang naiwan ang Team A matapos ang back-to-back jumper ni Manalang. Ilang mintis ni Matrimonio at kulang sa energy sa paghabol ang nagsadlak sa Team A sa pagkatalo.

Samantala, may protesta naman si Rodjel sa Team C dahil ito ay dumating lagpas ng default time. Dumating ang Team C ng 15mins at 1secs na lagpas ng isang segundo sa default time.

TEAM C (85) - Suhillo 33, Meshullemeth 11, Chua 10, Manalang 10, Daquioag 8, Lopez 7, Garcia 3, Bermoy 3, Andaya 0, Nayomi 0

TEAM A (83) - Calumba 22, Pascua 19, Matrimonio 14, Espeleta 10, Dela Cruz 10, Acapulco 4, Punzalan 2, Rodjel 2

04/05/2024

Nuvista Basketball Club Season 3 - 40 UPS DIVISION

Alfred Prinotesta ni Kuya Roy
TEAM D PINALUBOG ANG TEAM A, 86-78

Nagmartsa sa ikalawang sunod na panalo ang Team D sa bisa ng malaking 86-78 na pagdispatsa sa Team A na lalong nalubog sa 0-2 standings sa pagpapatuloy ng Nuvista Basketball Club Season 3 40 Ups Division na ginanap sa punum-punong Vera Basketball Court.

Nagbida sa panalo si versatile bigman Kent "The Big Difference" Miranda sa kanyang double-double na 24pts at 12rebs habang maganda rin ang mga ipinukol ni foreign-like shooter Rodel "KoBi" Umali na may 21pts at all-around performance ni power forward Mark "The Dawg" Labrador na may 18pts at 10rebs.

Halos hindi naman magkasya sa scoresheet ang puntos ni Team A superstar Bhong "The Kraken" Ordonio na may game high 37pts at 13rebs na tinulungan ni lefty shooter Jomar "Boy Wasiwas" Labadan na may 14pts subalit hindi ito naging sapat dahil sa magandang gameplan ng Team D. Ang inaabangan namang match up nina nemesis Alfred "Hindi Naglaba" Fuellas ng Team D at senior veteran shooter Roy "The Violent Shooter" Rodjel ay nauwi sa malamyang tagisan matapos magtala lamang ng 4pts si Fuellas at 0pts si Rodjel.

Maagang umabante ang Team D dahil sa sigla at energy ni Labrador na tila war dog na nagpiyesta sa ilalim. Isang tres ni Umali ang nagsara sa iskor na 23-17 sa unang quarter na nakakuha rin ng anim na puntos kay pointguard Michael "The Eagle" Calangian.

Sinamantala ng Team D ang pangangalawang ni Ordonio na hindi nakalaro sa kanilang first game nang maglatag ng zone defense habang tatlong offensive boards para sa anim na 2nd chance points ang iniskor ni Miranda upang panatilihin ang kontrol sa laban. Isang pamosong kasa bago tira ni Henry "Shotgun" Bartolata sa right wing ang nagbigay sa Team C ng 39-29 kalamangan.

Nagsimulang magtumpok ng puntos si Ordonio sa 2nd half sa kanyang malaking 12 3rd quarter points subalit ang inside presence ni Miranda at potent outside shooting ni Umali ang nagbigay pa rin ng abante sa Team D. Isang jumper ni point guard Jhonny "Yes Papa" Tercero ang nagsara sa 3rd quarter bitbit ang 69-55.

Isang 10-0 run ang ginawa ni Ordonio kabilang ang dalawang basket ni slasher CJ "The TasteBuds" Salaza para sa Team A sa unang apat na minuto ng 4th quarter subalit isang tres ni Umali at putback ni Miranda at Labrador ang tumapos sa hangarin ng Team A na makahabol.

Samantala, sinubukan ni Rodjel na iprotesta ang kanyang nemesis na si Fuellas dahil sa ito ay 17 years old pa lamang at matanda lang daw tignan subalit ito ay kailangan pang i-verify ng committee.

TEAM C (86) - Miranda 24, Umali 21, Labrador 18, Calangian 11, Fuellas 4, Jalotjot 3, Tercero 2, Bartolata 2, Leonard 1, Robes 0, Bialen 0

TEAM A (78) - Ordonio 37, Labadan 14, Calumba 8, Pascua 6, Salaza 4, Dela Cruz 4, Espeleta 2, Galiza 3, Rodjel 0, Domondon 0, Acapulco 0

04/05/2024

Nuvista Basketball Club Season 3 40 UPS DIVISION

The Bread Master Manalang Inalmusal Ang Ring
TEAM C PINUNIT ANG TEAM B

Winasak ng masipag na hustle plays at magandang offensive ex*****ons ng Team C ang Team B sa bisa ng 62-54 malaking panalo sa pagpapatuloy ng Nuvista Basketball Club Season 3 40 Ups Division sa punum-punong Vera Basketball Court.

Tila sinaniban ng apoy ang mga kamay ni Jeffrey "The Bread Master" Manalang sa 2nd quarter upang magtapos ng solidong 14pts, 3rebs at 2stls para sa Team C habang magandang laro rin ang ipinakita ni sharpshooter William "Chewy" Chua na may 11pts at Chris "The Gentleman" Daquioag na may 10pts. Nasayang naman ang matinding 18pts 5rebs ni Team B main man Joey "Mr. Pomada" Barbosa na bigong masungkit ang ikalawang sunod na panalo.

Matamlay ang panimula ng dalawang team matapos walang makaiskor sa unang tatlong minuto. Isang putback ni hustle guard Rommel "The Caramel" Lopez at tres ni Chua ang nagbigay sa Team C ng 11-6 abante sa unang quarter.

Bagama't nakakuha ng manaka-nakang puntos ang Team B buhat kina bigman Arvs "The Burger" Maglucky at forward Jhet "Ang Mapanakit" Mahinay ay hindi nila napigilan ang explosibong perimeter shooting prowess ni Manalang. Ang back to back basket ni Leonard "Big Mac" Andaya ang nagbigay sa Team C ng malaking 34-16 kalamangan.

Nagsikap si Barbosa na buhatin ang kanyang koponan sa pagkana ng 14 puntos sa 2nd half subalit sapat na ang dalawang tres ni Chua at apat na jumpers ni front court Iñigo "Baby Face" Cerdeña upang itala ang kanilang unang panalo para sa 1-1 kartada sa torneo.

TEAM C (62) - Manalang 14, Chua 11, Daquioag 10, Iñigo 8, Lopez 7, Papa 6, Andaya 6, Ballelos 0

TEAM B (54) - Barbosa 18, Mahinay 9, Grapa 8, Maglucky 7, Barbaran 4, Lara 2, Bacon 2, Foster 2, Peralta 2, Semana 0, Mangaron 0, Espinas 0

Want your business to be the top-listed Gym/sports Facility in San Jose del Monte?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Igay Road, San Jose Del Monte Bulacan
San Jose Del Monte
3023