29/10/2026
Ynares Sports Center, Montalban, Rizal -
NAGPAMALAS ng NEVER SAY DIE attitude ang ating San Juan Knights kagabi matapos na pataubin ang Caloocan Victory Liner Batang Kankaloo sa laban na umabot pa sa overtime period na natapos sa 82-78 iskor.
NABALIGTAD ang dapat na home court advantage ng ating SJK ay napunta sa Caloocan dahil sa daming dala dala na mga supporters na pawang mga naka-orange tshirt at sinasabayan pa ng kanilang maingay na tambol. Hindi nagpatinag ang ating mga SJK.
HINDI NAMAN BUMITAW AT HINDI SUMUKO kahit na sugatan at duguan ang SJK.
PUSO at DETERMINASYON manalo ang nagdala hanggang dulo mas lalo pa ng mawala sa laban sina Team Capt. Orlan Wamar Jr at pt guard Terrence Fortea dahil sa mga injuries.
Si Harold Alarcon ang naging Best Player kagabi dahil sa kanyang all-around performance na 6 points 9 rebounds at 7 assists. Good job.
Si shooting guard AC Soberano ang highest scorer na 15points mula sa kanyang 3-out-of-5 sa 3-pt area. Sinundan ni Mike Calisaan 13points at Dexter Maiquez 10points.
SWEEP 2-0 ang series. Tapos na ang semifinals.
LIPAT na tayo sa susunod na mas mabigat na laban. Ang North Division Finals.
MARAMING SALAMAT sa Iyo Lord, dahil sa Iyo sa bawat dalangin ng buong SJK ay pinagbigyan mo kami.🙏
Maraming Salamat sa ating mga sponsors Six Nine Pong Bar Abella Industries Cache Prints 825 PIZZERIA Go For Gold PH
Individual score:
SAN JUAN KNIGHTS - 82
Soberano 15, Calisaan 13, Maiquez 10, Kwekuteye 8, Sleat 6, Alarcon 6, Panganiban 5, Ramos 5, Fortea 4, Alforque 3, Hugnatan 3, Boral 2, Torres 2, Soyud 0.
CALOOCAN BATANG KANKALOO -78
Ladi 21, Bitoon 17, Baclaan 15, Manday 9, Jamito 5, Escobar 4, Pagsanjan 3, Bonsubre 2, Calahat 2, Matias 0, Cabanag 0, Palencia 0.
“To God Be All The Glory”