19/04/2026
Happy Fiesta Brgy. Mag-Asawang Sapa!
Maligayang Kapistahan ng Mahal na Señor del Perdon!
Kapistahan ng Mahal na Señor Del Perdon
19/04/2026
Happy Fiesta Brgy. Mag-Asawang Sapa!
Maligayang Kapistahan ng Mahal na Señor del Perdon!
Street dance/ fiesta Comm/ banda dos kabataan Parade
17/04/2026
Mamaya po magkita kita tayo kasama ang nag-iisang Ms.Rei Germar, mapalad tayo at napaunlakan tayo ng isang sikat na model, vlogger at youtube sensation!🎉🎊
Pabatid 📣📣📣
APRIL 18, 2026
STREET DANCE/ PARADE / PASEO NG MOSIKO
Pansamantala po isasara mamayang 9:00 AM ang daan simula Boundary to Mag-Asawang Sapa Church sa kadahilanang meron tayong street dance, fiesta committee parade at paseo ng mosiko banda dos kabataan, sasakupin po ang daan kaya po nakikiusap po kami na sana ay pagbigyan nyo muna po ito sa loob lamang po ito ng 45 minutes para po ito sa pag salubong ng kapistahan ng mahal na señor del perdon!
Maraming Salamat po sa pang unawa.
MAG-ASAWANG SAPA GOT TALENT 2026
17/04/2026
Mamaya na po ang Mag-Asawang Sapa Got talent 2026 magkita kita po tayo mamaya sa Mag-Asawang Sapa Covered Court sa oras ng 7pm.
🎉
Mag-Asawang Sapa Got Talent 2026🌟⭐️✨
Open for All!
✨✨✨PRIZES✨✨✨
🏆GRAND WINNER - P 10,000
🏆1st PLACE - P 7,000
🏆2nd PLACE - P 5,000
🏆3rd PLACE - P 2,000
🏆4th PLACE - P 2,000
Handog sa atin ng Pangulo ng Kapistahan Mr.Ram Germar at ng buong fiesta committee.
Sumali at ipakita ang iyong talento sa madlang people ng Mag-Asawang Sapa! 🎉
17/04/2026
Mag-Asawang Sapa Fiesta Bingo Fest 2026🎉
Tara at Makisaya sa Bingo Bonanza na punong puno ng malalaking papremyo bilang bahagi ng pagdiriwang ng ating Fiesta ng Mahal na Señor del Perdon.
Ito ay handog sa atin ng masipag na Pangulo ng Kapistahan Mr.Ram Germar at ng buong fiesta committee.🎉
15/04/2026
Zumba Marathon 2026 Done!💃🏻💃🏻
Handog ng Pangulo ng kapistahan Mr.Ram Germar, maraming salamat po! 🎉
Maraming Salamat din po sa lahat ng nakiisa!
10/04/2026
Unang Araw ng Novenario kay Mahal na Señor del Perdon | April 10, 2026
Pagdarasal ng Nobena sa ganap na ika-4:00 ng hapon. Sinundan ito ng Banal na Misa sa ganap na ika-5:00 ng hapon sa pangunguna ni ,
Rev.Fr Daniel Coronel.
Kasama ang Komite ng Fiesta ng Mag-Asawang Sapa 2026 na pinangunahan ng Hermano Mayor Ram Germar.
Mahal na Señor del Perdon ipanalangin mo kami.
09/04/2026
TALATAKDAAN NG MGA GAWAIN PARA SA KAPISTAHAN NG ATING MAHAL NA SEÑOR DEL PERDON
Handog ng Komite ng Mag-Asawang Sapa 2026
April 11, 2026 ( 7:00 PM)
Men’s & Women’s Volleyball Finals
April 12, 2026 (7:00 PM)
Basketball Finals
April 14, 2026 (9:00 AM Onwards)
Mobile Legend Tournament
April 15, 2026 (7:00 AM - 9:00 AM)
Zumba Marathon
April 16, 2026 (7:00 PM)
Miss Gay Mag-Asawang Sapa 2026
April 17, 2026 (7:00 PM)
Mag-Asawang Sapa Got Talent 2026
April 18, 2026 (9:00 AM)
-Street Dance/Fiesta Committee Parade
-Banda Dos Kabataan (Angono Rizal)
April 18, 2026 (7:00 PM)
-Bingo Bonanza
-Grand Raffle Draw
-Fireworks Display
April 19, 2026
-8:00 AM Grand Band Parade
-10:00 AM Misa sa Kapistahan ng Mahal na Señor del Perdon
-2:00 PM Paseo ng Mosiko
April 26, 2026 (6:00 PM)
-Grand Procession
Nawa’y tayong lahat ay makiisa at makibahagi sa mga gawaing ito ng ating parokya, pang-samba man o sa mga gawaing panghatid saya. At nawa’y patuloy pa ninyong suportahan sa mga gawaing ito ng ating parokya.
Viva Mahal na Señor del Perdon!
08/04/2026
Nobena sa Karangalan ng Mahal na Señor del Perdon
( April 10-18, 2026 )
Sa darating na Biyernes, ika-10 ng Abril 2026, ating sisimulan ang Nobena sa karangalan ng Mahal na Señor del Perdon bilang paghahanda sa nalalapit na Dakilang Kapistahan. Ang siyam na araw na Misa Novenario ay pangungunahan ng mga sumusunod na pari.
Halina't tayo ay manalangin at ilapit kay Señor del Perdon ang ating mga hiling.