01/09/2020
Stay at home as much as possible. We hope to see you soon ð
TAGUIG CITY COVID-19 CASE UPDATES
August 31, 2020
Ayon sa kasalukuyang datos ng Taguig City Epidemiology and Disease Surveillance Unit 88 ang panibagong kaso ng COVID-19 ang naitala at mayroon ng 4,801 confirmed cases; 22 naman ang karagdagang bilang ng mga gumaling sa kabuuan ang bilang ng mga recoveries ay nasa 4,159 habang walang naitalang fatality nitong ika-30 ng Agosto kaya nananatili sa 44 ang bilang ng mga namatay sa sakit. Habang ang bilang ng mga active cases sa lungsod ay umabot na sa 598.
Ang mga naitalang recoveries ay resulta ng patuloy na aktibong paghahanap ng lungsod sa mga kaso ng close contacts. Sa pamamagitan nitong epektibong istratehiya ay agad nahahanap ang mga active cases at agarang sinasailalim sa testing at quarantine. Sa pamamagitan din ng pagpapatupad ng mga panuntutunan mula sa DOH at IATF-EID na patuloy na pinapaalahanan ang publiko na ang pag sunod sa mga health and safety protocols ay makatutulong na mapigilan ang pag kalat ng COVID-19 sa lungsod.
Ang mga bagong kaso ng COVID-19 ay mula sa.Brgy. Bagumbayan (2), Bambang (2), Calzada (2), Hagonoy (4), Ibayo (1) Ligid (2), Lower Bicutan (6), New Lower Bicutan (5), Napindan (2), Palingon (2), San Miguel (4), Sta Ana (3), Tuktukan (4), Ususan (10) Wawa (6), Central Bicutan (1), Central Signal (4), Fort Bonifacio (2), Katuparan (2),North Daang Hari (1), North Signal (3), Pinagsama (10), South Signal (2), at Western Bicutan (8).
Ang pagtaas ng bilang ng mga naitalang kaso ay nagpapahiwatig ng pagsisikap ng pamahaalan upang maihatid ang mga serbisyo sa mamamayan sa pamamagitan ng active case finding at testing. Ang lungsod ng Taguig ay nakapagsagawa na rin 38,498 PCR tests sa pamamagitan ng SMART testing program kasama na rito ang drive-thru testing, testing sa mula sa mga health centers at testing na isinagawa ng City Epidemiology Disease and Surveillance Unit (CEDSU).
01/09/2020
12/06/2020
06/05/2020
10/04/2020
27/03/2020
25/03/2020
23/03/2020
16/03/2020
15/03/2020
14/03/2020