ACTS 2:1-13
Dagtum TV
Page for fun and make time precious.
Roma 1:28-32
28 Dahil ayaw nilang kilalanin ang Diyos, hinayaan sila ng Diyos sa masasamang pag-iisip at sa mga gawaing kasuklam-suklam.
29 Naging alipin sila ng lahat ng uri ng kasamaan, kabuktutan,[c] kasakiman, maruruming pag-iisip, pagkainggit, pagpaslang, pagtatalo, pandaraya at masasamang hangarin. Sila'y naging mahilig sa tsismis,
30 mapanirang puri, nasusuklam sa Diyos,[d] walang pakundangan, mapagmataas, mayayabang, mapagkatha ng kasamaan, at suwail sa magulang.
31 Sila'y naging mga hangal, mga taksil, mga walang puso, at di-marunong lumingap sa kapwa.
32 Nalalaman nila ang utos ng Diyos na karapat-dapat sa parusang kamatayan ang mga gumagawa nito. Gayunman, hindi lamang patuloy sila sa paggawa nito kundi sumasang-ayon pa sila sa mga gumagawa rin ng mga ito.
Si Ananias at si Safira
(Gawa 5:1-11)
1 Subalit mayroong mag-asawa na nagbenta ng kanilang ari-arian; Ananias ang pangalan ng lalaki at Safira naman ang babae.
2 Hindi ibinigay ni Ananias sa mga apostol ang buong pinagbilhan na sinang-ayunan naman ng kanyang asawa. Isang bahagi lamang ang kanyang ipinagkatiwala sa mga apostol.
3 Kaya't sinabi ni Pedro, “Ananias, bakit ka nagpadala kay Satanas at nagsinungaling ka sa Espiritu Santo? Bakit mo binawasan ang pinagbilhan mo ng lupa?
4 Bago mo ipinagbili ang lupa, hindi ba iyo iyon? At nang maipagbili na, hindi ba iyo rin ang pinagbilhan? Bakit mo naisipang gawin iyon? Hindi ka sa tao nagsinungaling kundi sa Diyos.”
5 Nang marinig ito ni Ananias, siya'y nalagutan ng hininga at bumagsak, at lahat ng nakabalita sa pangyayaring iyon ay pinagharian ng matinding takot. 6 Lumapit ang ilang binata, binalot ang bangkay, at siya'y inilibing.
7 Pagkaraan ng may tatlong oras, dumating naman ang kanyang asawa na walang kamalay-malay sa nangyari.
8 Kinausap siya ni Pedro, “Sabihin mo sa akin, ito nga ba lamang ang kabuuang halagang pinagbilhan ninyo ng inyong lupa?”
“Opo, iyan lamang,” sagot ng babae.
9 Kaya't sinabi sa kanya ni Pedro, “Bakit nagkaisa kayong subukin ang Espiritu ng Panginoon? Hayan! Kadarating pa lamang ng mga naglibing sa iyong asawa, at ikaw naman ngayon ang isusunod nila!”
10 Noon di'y nabuwal si Safira sa paanan ni Pedro at namatay. Pagpasok ng mga binata, nakita nilang patay na siya kaya't inilibing siya sa tabi ng kanyang asawa.
11 Nakadama ng matinding takot ang buong iglesya at ang lahat ng nakabalita nito.
Matthew 3:1-17
Pinagaling ang Isang Lumpo
(Mga Gawa 3:1-10)
1 Minsan, nagpunta sina Pedro at Juan sa Templo; alas tres ng hapon noon, ang oras ng pananalangin.
2 Sa pintuan ng Templo na tinatawag na Pintuang Maganda ay may isang lalaking lumpo mula pa nang ito'y isilang. Dinadala ito sa Templo araw-araw upang mamalimos sa mga taong pumapasok doon.
3 Nang makita nito sina Pedro at Juan na papasók sa Templo, siya'y humingi ng limos.
4 Tinitigan siya ng dalawa, at sinabi ni Pedro sa kanya, “Tingnan mo kami!”
5 Tumingin nga siya sa kanila sa pag-asang siya'y lilimusan.
6 Ngunit sinabi ni Pedro, “Wala akong pilak o ginto, ngunit kung ano ang mayroon ako ay siya kong ibibigay sa iyo. Sa pangalan ni Jesu-Cristong taga-Nazaret, tumayo ka at lumakad.”
7 Hinawakan niya sa kanang kamay ang lumpo at itinayo. Noon di'y lumakas ang mga paa at bukung-bukong ng lalaki;
8 palukso itong tumayo at nagsimulang lumakad. Pumasok siya sa Templo kasama nila, naglalakad, lumulundag at nagpupuri sa Diyos.
9 Nakita ng lahat na siya'y naglalakad at nagpupuri sa Diyos.
10 Nang makilala nilang siya ang pulubing dati'y nakaupong namamalimos sa Pintuang Maganda ng Templo, namangha sila at nagtaka sa nangyari sa kanya.
Panitikan sa Panahon ng Katutubo
https://www.youtube.com/
Matuto sa mga aral na hatid ng Kalabaw at Kuneho.
Pagpapakumbaba ang susi upang matamo ang pagkakaroon ng mabuting samahan sa lahat ng taong nakapaligid sa atin.
https://www.youtube.com/
Sariwain ang katapatan ng mga haring nagpatirapa at sumamba sa ating Panginoon.
Dakilang pagsilang ng ating Panginoon.
https://www.youtube.com/
Balikan ang pinagmulang lahi ng ating Panginoong Hesus.
https://www.youtube.com/
Genesis 1:1-31
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Contact the business
Telephone
Website
Address
Tanza
4108