14/08/2022
Sa pagbabalik ng mga Estudyante sa paaralan ngayong pasukan, matagumpay na naisagawa ang Brigada Eskwela 2022 kasama ang mga g**o ng BUROT INTEGRATED SCHOOL at sa Inisyatibo ng samahan ng Alpha Kappa Rho Fraternity kasama ang ating grupo Pag-Asa Disiplina at Pagbabago.
Layunin nito ang magkaroon ng malinis na kapaligiran , at bagong simula para mga estudyanteng nasasabik ng pumasok sa paaralan.
14/08/2022
Magandang Buhay ka AsoneBurot . Meron po tayo bagong dumating na donation na mga gamot . Pm nalang po kayo .
Maraming maraming salamat po sa walang sawang sumusuporta RPPT . Godbless po ♥️
23/07/2022
Kami po ay lubos na nasisiyahan na kami ay nakapag abot ng tulong para sa ating mga kabaranggay dito sa BRGY BUROT ❤️
Ang grupo ng kabataang Pag-asa, Disiplina at Pagbabago -PDP ay nakapag bahagi po ng mga gamot para sa mga bata at matatanda at patuloy na mamamahagi pa sa darating pa na mga araw 🥰
Maraming maraming salamat po 😊
23/07/2022
Magandang araw po sa lahat, kami po ay mamimigay ng mga gamot na makakatulong po sainyong mga anak o sa mga bata (Xylogel 1 to up y/o para sa sakit sa ngipin), (Paracetamol Caramel 1-6 y/o) at (Paracetamol Analgesic 7 to up y/o) ngunit pag ito po ay naubos or nagkaubusan po maaari ulit kayong mabigyan o makakuha by next month kapag meron na pong panibagong stock.
ASONE BUROT
20/07/2022
Congratulations Graduates!!.
All of you sacrifice a lot to reach your status right now. You all deserve that kind of reward for your hard work and tears. Let your dreams be more significant than your fears, your actions louder than your words, and your faith more vital than your feelings. This is just the beginning of your chapter. May you all reach your success. Godbless!
17/07/2022
Matagumpay po nating naidaos ang MOVIE NIGHT na handong ng Pag-asa , Disiplina, at Pagbabago. Mula po sa aming mga puso kami po ay lubos na nag papasalamat sa mainit ninyong pag suporta sa ating pagsasalo-salo.
16/07/2022
Ang movie night po natin ay tuloy parin ito po ay namove lang ng bandang 6:30 pm ngayong araw, umulan man o umaraw tuloy ang ating sama sama. Sana po ay kayo'y paring tumuloy saating munting salo salo ngayong araw.
ASONE BUROT
13/07/2022
Panawagan po sa naka-iwan ng mountain bike sa loob ng court, maaari n'yo pong makuha ito burot brgy hall.
ASONE BUROT
12/07/2022
Magandang buhay po sainyong lahat. Aming inaanyayahan po ang mga kabataan sa sabado na maki-isa sa gaganaping event na siyang magbibigay kasiyahan at pagsasama-sama ng kabataan sa ating barangay. Ito po ay gaganapin sa ating court at ito po ay magsisimula sa oras ng 6pm hanggang 9pm. Ang Grupong PDP ay ikinagagalak na kayo ay masilayan sa araw na iyon, kaya halina't Makiisa at Makisaya☺️
See You All and Godbless 👊♥️
AsOneBurot