09/05/2026
Ako si Stitch.
Tatlong taong gulang na husky mula Bulacan. Sabi nila mahal nila ako. Kaya siguro nila ako ikinulong sa maliit na kulungan kasama si Lilo, isa ring husky na tulad ko.
Hindi ko alam kung gaano katagal kaming naroon. Hindi naman marunong magbilang ang mga a*o. Ang alam ko lang, paulit-ulit akong nagigising na mas mahina kaysa kahapon.
Sa bawat pagkalam ng sikmura ko, doon ko lang nararamdaman na may lumipas na namang araw.
Sa bawat paglabas ng mga buto ko, doon ko lang naiintindihan na may unti-unting nawawala sakin.
Akala ko normal lang ang magutom.
Akala ko normal lang ang manghina.
Akala ko normal lang na nakatingin ka lang sa labas ng kulungan habang hinihintay kung may maaalalang magpakain sayo.
Hindi ko alam na ang isang adult husky pala na katulad ko ay dapat nasa 20 kilo pataas.
Dahil ako, siyam na kilo na lang.
Siyam na kilo ng gutom.
Siyam na kilo ng kapabayaan.
Siyam na kilo ng buhay na pilit kumakapit kahit unti-unti nang pinapatay ng neglect.
Ang mas masakit, hindi kami marunong magtanim ng galit sa mga tao.
Kahit pinabayaan kami, kumakawag pa rin kami ng buntot sa tuwing may taong lalapit.
Kahit halos mamatay sa gutom, naniniwala pa rin kaming may magmamahal samin nang tama.
Maaari nyo po bang tulungan ang mga taong nagligtas saakin?
๐๐ณ ๐๐ผ๐โ๐ฑ ๐น๐ถ๐ธ๐ฒ ๐๐ผ ๐๐๐ฝ๐ฝ๐ผ๐ฟ๐ ๐ผ๐๐ฟ ๐ฐ๐ฎ๐๐๐ฒ, ๐๐ผ๐ ๐บ๐ฎ๐:
๐ Donate through GCash: 0991 521 5258 ANTONIO JR. L.
๐ Maya / GCash: 09105836856 (CHN C.)
๐ Alt Gcash: 09063870830 (Lorna L.)
๐ Paypal: