21/01/2025
ππ¨πͺππ πππ¦π§π-πππ¦π§π π ππ-π£π’π¦π§ πππππ§ π¦ππππππ‘ π π’ π£ππ‘π πππ‘ππ ππ π‘ππ-π‘ππ π ππ₯π’π£.
Ang pag-post ng mapanirang pahayag online ay maaaring mauwi sa kaso ng Cyberlibel sa ilalim ng Republic Act No. 10175 o ang Cybercrime Prevention Act of 2012. Maging maingat sa iyong mga salita at iwasan ang paninira na maaaring makasira sa dignidad ng iba.
ππ‘π’ ππ‘π ππ¬πππ₯πππππ?
Ang cyberlibel ay libel na ginawa gamit ang internet o computer system, kung saan mayroong:
β’ Publikong paninirang-puri.
β’ Mapanirang layunin laban sa pagkatao ng isang tao na nagdudulot ng kahihiyan, discredito, o pagkagalit.
Saklaw ito ng Section 4(c)(4) ng RA 10175.
ππ‘π’ ππ‘π π£ππ₯π¨π¦π?
β’ Mas mabigat ang parusa kaysa sa tradisyunal na libel:
o 6 taon at 1 araw hanggang 8 taon na pagkakakulong
o Maaaring may kasamang multang itinakda ng korte.
πππππ‘ π πππ₯ππ‘π ππ¦ππ π£π?
1. Kahit walang pangalan ang post:
o Kung makikilala ang taong tinutukoy mula sa konteksto ng post, maituturing itong cyberlibel.
2. Kahit burado na ang post:
o Kung may screenshot o ibang ebidensya tulad ng metadata, maaari pa ring magsampa ng kaso.
3. Prescriptive Period:
o May 1 taong palugit mula sa petsa ng paglalathala upang magsampa ng kaso, ayon sa Article 90 ng Revised Penal Code.
πππ‘ππ£ππ‘ ππ‘π π£π₯π’π£ππ₯ ππ¨π§ππ’π₯ππ§π¬:
β’ PNP Anti-Cybercrime Group (ACG): Tumutulong sa pagsasampa ng reklamo at imbestigasyon.
β’ NBI Cybercrime Division: Tumutulong sa teknikal na aspeto ng mga imbestigasyon sa cybercrime.
π£ππππππ:
β’ Ang kasong Cyberlibel ay hindi kailangang dumaan sa barangay mediation.
β’ Ang warrant of arrest ay nangangahulugang mayroong probable cause na napatunayan ng piskal.
β’ Ang freedom of speech ay hindi absolute. Kapag itoβy ginamit upang sirain ang reputasyon ng iba, ito ay maaaring kasuhan.
π§ππ‘ππππ‘: THINK BEFORE YOU CLICK. π
04/01/2025
04/01/2025
05/09/2024
13/01/2024
13/01/2024