PINOY Basketball Chronicles

Directions Contact the business

PINOY Basketball Chronicles Where the game never stops in the Philippines Stories and stats that modern fans probably didn't know.

09/24/2026

Gilas Roster after the br*wl happened. 🫡 10 Gilas players + 2 Coaches got suspended kaya almost all of the players including the coach ay pinalitan.

Maganda ang nagiging simula ng games nila pero sa closing minutes ay laging nadadali mainly because of the chemistry issues.


09/23/2026

Did you know? 👀 Christian Standhardinger represented Germany in U-18 FIBA competitions in 2007.


09/22/2026

Satisfying talaga ang mga wins kapg laban sa China ano? 😅

May times talaga na weakness ng China ang Philippines sa style of play (except this 2026 Asian Games). Parang masa madalas kasi natin talunin ang China compare sa Korea or other powerhouse Asian countries.

Throwback muna sa mga wins ng Gilas vs China in recent memory. Alin dito ang pinakapaborito mo?

09/22/2026

Stretch Balti is the best version of Balti. 🫡 Matatandaan noon na may pagkakataong nag-three spot si Baltazar especially pag nagsasabay sina Kai at Carl. May effeciency din siya sa three points at mabilis rin siyang gumalaw for his height.

Mahusay pa rin naman si Balti ngayon lalo na sa ilalim pero hindi na nadevelop ang kanyang versatility dahil madalas siyang nasa paint noong nasa MPBL siya at nadala na rin sa PBA ngayon.


09/22/2026

Tama ba si SJ? 🤔

In terms of talent and individual skills, mas lamang ang mga Pinoy. Pero pagdating sa structure ng overall basketball at team plays, mas lamang ang Korea.

Kayo, ano sa tingin ninyo ano ang advantage ng Korea sa Gilas at vice versa?

09/21/2026

Did you know? 🤔 Dwight Ramos suited up for Ateneo Blue Eagles in 2019. Kinailangan niyang mag-serve muna ng residency for one year bago makapaglaro formally sa UAAP games, pero inabutan na siya ng Covid-19 pandemic.

Nakapaglaro naman siya sa Philippine Collegiate Champions League at napag-champion ang Ateneo. Nakalaban nila ang San Beda sa Finals.


09/21/2026

One of the heated rivalry in the PBA, the battle of the kapampangans 😤

Parehong may angas pagdating sa court, wala sa kanila ang nagpapadaig. Everytime na maghaharap sa court talagang aasahan mo ang excitement sa dalawang players na ito.

Ano ang favorite moments mo sa Spiderman vs The Beast? 💪


09/21/2026

Throwback na muna tayo with Asian Games 2023 Gilas who won the Gold Medal 🥇

Naglaro sila with confidence at walang pressure during the tournament. Karamihan sa kanila galing pa sa kanilang duties sa PBA pero lumaban pa rin bago ang off season.

Lahat sila nag-ambag at ginampanan ang kanilang mga role hanggang makuha ang Gold Medal vs Jordan.


09/20/2026

Isang appreciation post para kay Justin Noypi sa kanyang Gilas career. Malaki ang achievement ng National team sa winnings at success particularly sa heroic game niya noong 2023 Asian Games. First Asiad Gold in 60 years. 🙌

Isa pa ay ang pagkapanalo nila laban sa World Ranked No. 6 na Latvia, at maging ang first win ng Gilas sa New Zealand sa FIBA history.

Wala pa rito ang pagbawi ng Gilas sa Gold Medal sa Sea Games.

Maraming Salamat, JB 🫡

Ikaw, anong paboritong moment mo ni JB?


09/20/2026

Kung mayroong isang player na nagbigay challenge kay JuneMar, walang iba kundi si Greg Slaughter. 🙌

Isang beses na nagharap sa Finals sina Greg at JuneMar at nanaig ang Ginebra kontra San Miguel noong 2018 Commissioner’s Cup. Naging x-factor ang presence ni Greg dahil nagkaroon ng match-up one on one si Kraken na hindi na kailangan i-double team.

Matatandan na sa mga unang years nila sa PBA ay si Greg lamang talaga ang nakakasabay kay JuneMar. May pagkakataon lang talaga na gumaling ng sobra si Abay at naging injury prone naman si Greg.


Address

Los Angeles, CA

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PINOY Basketball Chronicles posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to PINOY Basketball Chronicles:

Shortcuts

Share

Category