31/07/2026
FAKE NEWS! WALANG TRIBUTE KAY RENE BATERBONIA SA SPIDER-MAN: BRAND NEW DAYβMEME LANG ITO!
Nag-viral sa social media ang isang larawan na tila nagpapakitang may βIn Memory of Rene Baterboniaβ tribute sa pelikulang Spider-Man: Brand New Day.
Pero meme lamang ito.
Walang eksena o end-credit tribute para kay Rene Baterbonia sa pelikula. Ang larawan ay isang edited meme na ginawa lamang bilang tribute ng ilang netizens at hindi bahagi ng opisyal na release ng Marvel o Sony. Ang opisyal na impormasyon tungkol sa pelikula at sa mga kredito nito ay walang binabanggit na ganitong dedication.
Gayunpaman, marami pa rin ang napatawa at naantig sa meme, lalo na ang mga nakakakilala kay Rene at sa kanyang naging kontribusyon sa Philippine sports media.